Paano Nga Ba Mag Move On Take Two ( Andyan Ka Nanaman ....)

180 1 0
                                    

Habang patulog ka at nakikinig ng radyo bigla ka makakarinig ng song na ..

Paminsan-minsan

Naaalala pa rin kita

Kahit ngayon mayr’ong nagmamahal na ngang iba

Tuwing maiisip mong damdamin nagbabalik

At para bang nar’yan ka pa sa aking tabi

Muling nadarama ang yakap ko

Matitikmang muli ang halik mo

Naririnig sinusumpang

Ako ay mahal mo..

TOINKS! erase erase! hanuu ba yan nakikinig pa kasi ng love songs eh.. tumigil ka , nataon lang na yan ang music sa radyo. Tapos maya maya inaayos mo na sarili mo para matulog bigla nanaman patutugtugin ang ganitong lyrics…

I’d still do anything for you

In spite of it all

I’ve learned so much from you

You made me strong

Don’t you ever think that I don’t love you

That for one minute I forgot you

But sometimes things don’t work out right

And you just have to say goodbye

Stop it! nakakabago ng mood itong mga songs nato.. patayin mo nalang kaya ang radyo … Sya pinatay na ang radyo.. bigla naman mapipikit ang mga mata mo tapos.. tapos.. mukha ng mokong na yun ang makikita mo.. Ano ba talaga????

Okey… so watcha gonna do when you thought you’ve already moved on from that (*^&_(^*+_ ##@@@ of yours? Then suddenly biglang mag aappear sa existence mo. Hello ??? Bakit ? Nang aano ka?

Nag text lang sayo ng hi.. wazzup? pa fall ka nanaman?? Wala kang kadala dala.. pa fall ka ha ? pa fall?!

Sasabihin mo na naka moved on na ko eh.. nag text lang nababahala ka na? So naka move on ka na non sa tingin mo? Well well… ganon talaga ang tao kasi mahilig mag emote eh.. nadadala ka lang ng sitwasyon kasi iniisip mo, bini big deal mo yun pag pansin nya sayo.. Oweno naman ngayon kung nag text ? text lang? Gusto ka lang i add sa friendster o facebook eh assuming ka na agad.

Mag hunos dili ka… kelangan mong panindigan ang pag momove on mo dahil diba sinabi mo sa sarili mo na tama na … owver na ayon kay melai ng PBB, as in owver na owver ka na sa kamartiran. Ano ba ang dahilan mo bakit mo sinabi sa sarili mo na dapat mag move on ka na? Dahil nasasaktan ka na ng bonggang bongga diba?

Masokista ka ba? Gusto mo nanaman maramdaman yun pakiramdam na para kang sinasaksak ng punyal, yun halos ayaw mo huminga dahil sa tuwing hihinga ka eh kasabay nun yun hindi maipaliwanag na sakit..

O common.. i know its really hard to move on.. lalo na at talaga namang minahal mo ng bonggang bongga si ex. Pero heto.. konting konti nalang eh makakalimutan mo na wala nang sakit, tapos bigla mag aappear watahecks na yan.

Tingin ko tinetest lang yung selfcontrol mo nyan, kung kaya mo pa panindigan yun sinabi mo sa sarili mo na mag momove on ka na nga. Pero paano ba ka ba naman mapapanatag nyan kung hanggang ngayon eh single ka pa rin at walang lablayp hindi ba nakakainis yun?

Oweno naman ulit ngayon? Tigilan mo na ang pagseself pity, wag ka nang mag ampalaya pa dyan.. let’s just accept the truth that nothing in this world is permanent.. people change.. hndi ka na nya mahal, mahal ka man o minahal ka man nya minsan may mga pangyayaring hindi natin kontrolado.. lahat ng magagandang bagay may katapusan din.. masakit ba?

Oo naman masakit lalo na kung isa kang sensitive na tao.. konting sakit iniinda mo ano ka baby? Konting pitik lang eh magngangawa ka na? Minsan kasi kelangan din nating turuan yun sarili natin na maging manhid para naman di tayo gaano nasasaktan.

At tigilan mo na ang pag iisip ng ano kaya? Naiintindihan mo ako? Gusto mo ng panibagong chance? Baka naman maging kontrabida ako sa tingin mo nyan dahil ang alam kong gusto mong marinig eh ang simpatya ko sa nararamdaman mo, ang makakapag pasaya ng puso mo sa tingin mo kakampihan kita?

Bahala ka sa buhay mo! Buhay mo kaya yan.. at ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo sa pagtupad ng bonggang bonggang pag momove on dyan sa ex mo. Pero may tip ako sayo..

Isipin mo nalang ham yan… na gets mo? (medyo ginugutom lang..) Kapag daw iniisip mo ang isang bagay lalo mo ito maiisip. Tama naman yun. Kaya nga mas mataas utak natin sa puso kaya dapat gamitin mo utak mo hindi puro puso. Gusto mo sya makalimutan? May nabasa ako eh.. Para daw yang gripo.. pag binuksan mo ang gripo tatagas ang napakaraming tubig bumubulusok.. iyon ang mga memories nyo ni ex.. tulad ng walang katapusang sweetness sa isat isa at kung ano ano pa . At wag kanang mag ano ano pa dyan hinaan mo yun gripo hangang sa patak nalang ang matira.. Gawin mo yun self control lang ang katapat nyan.

It is finished - Tapos na. Past is past. At kapag ang isang pilikula ay tapos na tapos na. Pwera nalang kung nagustuhan mo talaga yun movie at gusto mo ulit ulitin, pero ulitin mo man ganon pa din ang ending diba? May movie ba na nabago ang ending pag inulit mo? Pwera nalang kung may part II o may saga katulad ng twilight yun. Pero tapos na nga diba?? Tapos na. End. Isaksak mo sa kukote mo yun.

ACCEPTANCE – Oweno naman ngayon kung talo ka? Naloko ka? Pinagtaksilan ka? Kahit ginawa mo na lahat para sa kanya pero sa huli sasaktan ka lang? Tanggapin mo na sa sarili mo ganon talaga ang life parang buhay, ang tao may kanya kanyang kapal ng balat.. kung ipinanganak na insensitive talaga yan ex mo.. wala ka na magagawa.. hindi nya maiisip yun … nabalutan na nga ng makapal na apog yun self nya kaya tama na. Walang mawawala kung tatanggapin mo sa sarili mo na naisahan ka. Gusto mong gumanti? Magpanganda / magpagwapo ka na lang.. smile ulet.. kahit mapait pa.. masasanay ka din nyan.

Dont hate your ex - Bakit eh_______ (bahala kung ano gusto mo sabihin sa ex mo) si ex bakit di ko sya kakamuhian? The more na kamumuhian mo sya the more na maiisip mo sya. At diba nakakalamang lalo sya.. habang si ex nagpapakasaya ikaw ito iniisip mo sya sa kung paanong paraan mo sya gustong isipin.. talo ka , alipin ka pa rin nya kahit nasaktan ka nya noon hanggang ngayon ba naman na wala na kayo pinapayagan mo pa rin masaktan ka nya? Tama na. At kahit paano may pinagsamahan din kayo.. wag mo nang ibulgar kung anong klaseng tao si ex. minahal mo yun eh… tapos sisirain mo? Kung sa tingin mo __________ ( insert your emotions here) si ex tantanan mo na sya, wag ka nang mag bitter bitteran sa kanya magmumukha ka lang desperate non.

Forgive and forget – Patawarin mo na. Tingin ko kahit ganon si ex gaano ka man nya nasaktan dun sa isang bahagi ng puso nya hindi nya sinasadya yun. May mga bagay lang talaga na hinde na pwede. Masisira lang ulo mo sa kakaisip ng kakaisip, nakakapanget yun… patawarin mo na at kalimutan mo na unti unti. Sasabihin mo nanaman hindi madaling lumimot.. madali lang yan.. refer to number 1. Isipin mo nalang ham yan .

Colossians 3:13

Bear with each other and forgive whatever grievances you may have against one another. Forgive as the Lord forgave you.

So ayan pinatawad mo na wala nang galit tapos andyan ka nanaman tinutukso tukso ang aking puso? One more chance mala John lloyd at Bea. Its still up to you. Gaano mo pa ba kayang i take? Mahal mo? Pero dapat this time wag ka nang eng eng. Make sure na kapag nakipagbalikan ka kaya mo dalhin ang sarili mo kung ano mang mangyari pa kung happy ending di maganda e paano kung dun lang din ulit ang bagsak?

Kaya next time na ma fall ka ulet.. hmmm mas mahalin mo naman yun sarili mo kaysa sa kanya . Tamang balance lang kapatid.. para di masakit pag bagsak .

“Watching You Walk Out Of My Life Does Not Make Me Bitter Or Cynical About Love. But Rather Makes Me Realize That If I Wanted So Much To Be With The Wrong Person How Beautiful It Will Be When The Right One Comes Along.”

♡ Compilation of Things About Love ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon