Ang Tunay Na Kaibigan

702 2 2
                                    

Sa panahon ngayon mahirap makahanap ng mga tunay na tao, mga kaibigan na karamay mo sa lahat ng oras. Kung minsan akala mo tapat sayo lahat ng iyong kaibigan. Subalit hindi mo napapansin mayroong maayos sa harapan, at hindi sa talikuran. Iyon ay isa lamang halimbawa ng di tapat o di tunay na kaibigan. Ang iba sa atin akala, ang tropa ay kaibigan. Subalit sila ay nagkakamali. Ano nga ba talaga ang pagkakaiba ng tropa sa kaibigan?

Para sa akin iba ang kahulugan ng tropa sa kaibigan. Ang tropa ay para lang sa tambayan. Ibang iba sa kaibigan. Ang kaibigan ay iyong makakaramay, tawanan man o iyakan. At ikaw ay dadamayan sa oras ng kailangan.

Paano mo nga ba malalaman kung ang tinuturing mong kaibigan ay tunay na kaibigan? Ang tunay na kaibigan maliit man o malaki ang iyong problema, hindi ka iiwan o pababayaan. Hindi ka hahayaang gawin mo ang mga maling bagay na sa iyong kanyang makikita. Sa madaling sabi ikaw ay itutuwid niya sa mga pagkakamaling iyong tinatahak sa iyong buhay.

Naniniwala ka ba na ang kaibigan kung minsan ay kaaway? At ang kaaway kung minsan ay kaibigan? Ako ay naniniwala na kung minsan ang tinuturing mong kaibigan, siya ang nagiging mortal mong kaaway.Kung minsan maling sabihin lahat ng iyong lihim sa itinuturing mong kaibigan. Mali pala ang masyadong magtiwala. Dahil kung minsan sa bandang huli, kung sino yung tinuring mong kaibigan ay isa lang palang kasangkapan iyong matagpuan ang mga tunay na kaibigan.

Kung minsan ang pagkakaibigan ay sinusubok ng mga suliraning dumarating sa atin. Suliraning at problemang kay tindi na akala mong naging dahilan ng pagkawala ng tunay mong kaibigan o gaano ka katatag at malakas para haraapin ang ,ga iyon. Subalit ito lamang ay pagsubok upang iyong malaman mo kung sila nga ba ay tunay na kaibigan. At ito ang pagsubok na magbibigay kahulugan sayo ng tunay na kaibigan. Sa totoo lang, ang tunay na kaibigan kahit paulit ulit man kayong magaway lagi iyang nandyan. At hinding hindi ka ipagpapalit niya kahit magkaroon man siya ng mga bagong kaibigan.

Tunay ngang ang pakikipagkaibigan ay isang paglalaan ng panahon. Ngunit sa tingin ko, hindi naman talaga panahon ang inilalalaan. Kapag naglalaan ako ng panahon sa matalik kong kaibigan, hindi panahon ang binibigay ko. Sarili ko ang aking binibigay. Ganoon rin sila. Pakikipagkaibigan ay pagbibigayan ng sarili. Dahil kahit kailan, hindi ka makakakita ng tulad niya. Kahit pagsama-samahin mo pa lahat ng nagkagusto sa’yo, may gusto sa’yo at magkakagusto sa’yo. Kahit pagsama-samahin mo pa lahat ng nagustuhan mo, gusto mo at magugustuhan mo. Kahit ilang A-to-Z pa ‘yan, wala kang makikitang katulad niya. Isang pagbibigayan na hindi naman nawawalan ka ng sarili, kundi kusang nagkaroon pa. Mas tumutubo ako, mas tumutubo rin tayo sa mismong pagbibigayan natin ng sarili, sa mismong pagkakaibigan natin.

Kay sarap ng tag-araw kung kapiling ang matalik na kaibigan — maaring kasama sa pamamahinga, kasama sa pamamasyal, kasamang maglakad sa mabuhanging dalampasigan, o kasamang maligo sa dagat, o kasama sa pakikibaka — lahat ay isang pagsasayang ng panahon sa matalik na kaibigan. Sayang ba talaga? Sayang sa mga taong hindi nakikita ang halaga ng isang tunay na kaibigan, sayang sa isang taong hindi nauunawaan ang kahulugan ng pakikipagkaibigan, sayang sa isang taong takot magtaya ng sarili sa isang kaibigan. Ang pagtataya ay handang magsayang, ngunit naroon rin ang handang mag-alay ng sarili ng buhay sa isang kaibigan. Pagsasayang ang pag-aalay. Sayang ba talaga ang mag-alay ng buhay para sa isang matalik na kaibigan? Sayang sa isang walang kaibigan, sayang sa taong sarili lamang ang inaatupag at laging nagsasabing “problema sa inyo, hindi kayo marunong makibagay at makipagkaibigan sa akin.” Hindi ba na ang maging makasarili ay isang tunay talagang pagsasayang? Sayang ang mga pagkakataong tumubo sana ako, sayang ang mga pagkakataong nalampasan ko ang aking pagkamakasarili at takot magbukas ng sarili, sayang ang pagkakataong lumabas sa pader ng aking ego, sayang! natuklasan ko sana ang kayamanan ng isang matalik na kaibigan.

Marasap sa pakiramdam magkaroon ng maraming kaibigan. Subalit kung minsan ang iba mong kaibigan ay panandalian lamang. Ibig sabihin sila ay di mo matatawag na kaibgan. Hindi ba’t mas masarap magkaroon ng konting kaibigang at totoo kaysa sa marami nga pero plastik naman sayo? Konti man ang iyong kaibigan basta tunay at di ka iniiwan, ikaw ay mas nakaaangat o mas nakahihigit sa iba. Dahil ang tunay na kaibigan, bihira mong makakamtan.

Para sa akin ang tunay na kaibigan ay isang brilyante na kailanman ay hindi ko ipagpapalit kanino man. Mas gugustuhin kong magkaroon ng iisang kaibigang tunay kaysa sa marami nga subalit kahit kailan hindi ko naman maipagmamalaki. Masarap talaga magkaroon ng tunay na kaibigan. Kaibigang alam ang kahulugan ng salitang “kaibigan”. Kaibigang maipagmamalaki at masabing “tunay ka kaibigan”.

Ako, gusto kong pasalamatan ang aking mga kaibigan. Habang hindi pa huli ang lahat, gusto kong gawin ang responsibilidad ng isang tunay na kaibigan. Ngayon, masayang masaya ako sa aking mga kaibigan. Subalit mayroon nga ba akong tinuturing na tunay subalit peke lamang? Sana ay wala. Dahil nakakalungkot talagang kung iyong iisipin.

Ngayon buo na sa aking isipan ang kahulugan ng tunay na kaibigan. Hindi ba’t kung ikaw ay may sama ng loob sa iyong kaibigan ay masarap sa pakiramdam na ito’y ibahagi sa kanya? Laging mong tandaan na walang tunay na magkaibigang hindi nagkakapatawaran. Kaya ako, hangga’t may oras, hangga’t sila’y nariyan. Sila’y aking iingatan at hindi pababayaan. At sa kanila’y aking ipararamdam ” AKO AY TUNAY SA IYO KAIBIGAN WAG LANG MAGAGAMIT.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♡ Compilation of Things About Love ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon