Sa kasalukuyang panahon, hindi na bago para sa atin ang salitang “asa”. Nariyan nga ang isang ekspresyon naming mga kabataan na “asa ka pa!” na nangangahulugang tila imposible na ang nais mong marating. Kung ating susuriin ang bokabularyo nating mga Filipino, ang salitang “pag-asa” ay tumutukoy sa pagkakaroon ng positibong pagtinginsa hinaharap. Madalas nga natin itong marinig sa tuwing mayroong krisis na kinakaharap ang ating bansa. Diba nga’t lagi nang sinasabi sa atin na “Huwag kang mawawalan ng pag-asa”
Subalit, sa blog kong ito, nais ko sanang bigyang diin ang pag-asa na siyang ginagamit ng mga taong umiibig (in short, para sa mga in-love). Gayong alam ko na maari ring bumagay ang paksang ito sa mga taong minsan na ring nasaktan nang dahil sa sobrang pag-asa sa isang bagay.
Hayaan ninyong simulan ko ito sa isang simpleng tanong: “umibig ka na ba!?!” … na susundan ko muli ng katanungang “inibig ka rin ba niya?!”.. Hmmm, ang hirap sagutin, diba?!
Pero, bukod diyan, maaring may sasagot na “hinihintay ko pa na ibigin niya rin ako.”Ang mga katagang ito ay isa nang kongkretong halimbawa ng pagpapa-asa sa minamahal. Ang paghintayin ang isang tao na mahalin mo siya ay para sa akin, ang pinaka-matibay na deskripsyon ukol sa pagpapaasa sa larangan ng pagibig.
Walang kahit anong nakasaaad sa batas ng Pilipinas na masama ang magpaasa ng isang kapwa. Subalit, responsibilidad mo na ang kapwa mo, sakaling MASAKTAN siya dahil sa pagpapaasa mo.
Masasabi kong napaka-simple lamang naman ng solusyon para sa mga taong umaasa at nagpapaasa. Ito ay kung sakaling kaya mo namang ibigay ang hinihintay mula sa iyo, maaring may karapatan ka ngang magpaasa. Yun nga lang, dapat ay alam mo kung hanggang kailan mo paasahin ang isang tao. Ngunit, kung alam mo namang wala ni katiting na posibilidad na maibibigay mo ang mga bagay na hinihintay sa’yo, aba’y dapat lamang na matauhan ka na, at isipin naman ang kapakanan ng kapwa mo.
Hindi madali ang umasa. Panigurado kong hindi lamang iisa ang mga bagay na maaring naisakripisyo mo dahil sa pag-asa mo sa isang bagay na tila hindi naman mapapasaiyo.
Kaya’t marahil ninanais kong mabasa ang blog na ito ng mga taong patuloy na nagpapaasa sa kapwa nila. …Palayain niyo na sila! Tao rin yan na kagaya mo, nasasaktan at may mga bagay na nais ring ipagpatuloy! Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo. Masaktan na ang dapat masaktan. Basta’t ang mahalaga ay naagpakatotoo ka.
Ako ay nagsasalita bilang isang taong minsan na ring umasa. Masasabi ko ring patuloy akong umaasa. At, marahil, aasa akong muli sa isa na namang bagay. At, alam kong hindi ako nag-iisa. Marami kaming Umasa na,Umaasa Pa, at Aaasa Pang Muli.
Salamat sa Pagbabasa…
BINABASA MO ANG
♡ Compilation of Things About Love ♡
Teen FictionPoems, Quotes, Tips, Experience, Stories,|| Compilation About LOVE and Loneliness ♡ ♡ ♡ Read,Vote and Comment for Questions, and Opinions ^______^