Anim

1.9K 100 37
                                    

Anim

Wala na akong klase sa mga sumunod na oras. Ayoko munang umuwi dahil wala rin naman akong gagawin. Umalis si freak to who knows where. Wala rin naman akong pake. May buhay siya. May buhay rin ako.

Naikot ko na kanina ang buong East Wing Building. Meron pa mang North, South and West Wing, bukas ko na lang ipagpapatuloy ang pag-eexplore ko sa buong campus na ito. Taym perst muna, kanina pa masakit ang paa ko.

Tinanggal ko na ang suot kong heels kaya nakapaa na lamang akong nakaupo sa isang bakanteng upuan na mayroong mesa sa labas. Ang sarap ng ihip ng hangin dahil nandito ako sa ilalim ng puno. Naalala ko tuloy ang garden sa Princeton.

"Hi miss," May isang lalaki ang umupo sa harap ko. Kumakaway-kaway pa siya at ang ganda ng ngiti sa mukha. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hi miss, anong pangalan mo? Ako pala si Kieth."

Maarte kong tinanggal ang scarlet shades ko at saka siya binigyan ng bagot na tingin. Di kalayuan ay ang mga kaibigan niya na tila ba ngiting-ngiti na sinusuportahan sya upang lapitan ako.

"Not interested." Pa-irap kong sagot.

Isinuot kong muli ang shades bago nagpatuloy sa napurnada kong pagpapahinga.

"Bago ka rito 'di ba? Nalibot mo na ba itong buong campus? Gusto mo iikot kita? Two years na ako rito so medyo memoryado ko na ang lahat ng pasikot-sikot sa lugar na ito."

"Iikot? Kumuha ka ng bata. Ayokong mahilo."

"Huh?"

"Ano ba sa 'not interested' ang hindi mo naintindihan? Pinaka-ayaw ko talaga yung mga slow eh. Gosh. Makaalis na nga rito ang daming istorbo." Pagkatapos isuot ang heels ko, Inis kong kinuha ang mga gamit sabay walk out. Nakita kong nagsitawanan ang mga kaibigan niya. Siya sa ikalawang banda ay parang hindi natinag.

"Hindi mo namang kailangang maging sungit miss. Kieth Ababio! Baka sakali kasing kailanganin mo ng tulong ko sa susunod. Tawagin mo lang ang pangalan ko, nandito lang ako. See you around Miss Beautiful!"

Ha. The nerve. Meron talagang mga lalaki minsan na masyado papansin at ubod ng taas ang bilib sa sarili. As if naman na kakailanganin ko siya. Hindi ko kailangan ng kahit sino 'no. No thanks but I can do everything by myself.

Sinukbit ko ang handbag sa aking balikat. Sa tahimik na hallway kung saan mayroong mangilan-ngilang mga estudyante, may napansin akong isang makulay na poster sa tabi ng dingding.

"Oh my gosh." Napatakip ako ng mga labi sa gulat at galak. Ito 'yung poster na nakita namin ni freak noong naroon kami sa coffe shop!

Binasa ko ang nakasulat. "Dion Conservatory dance audition for Elite Junior dance team."

Oh my god. Bukas na pala 'yon!

"I will definitely audition!" I said in a sing-song voice sabay kuha ng poster sa pader. Buti na lang nakahanda na ako dahil matagal ko na itong pinagprapraktisan. Kahit nga ngayon pa gaganapin ay aariba na ang ganda ko. Ganun kasi ako, girl scout. Palaging handa.

Ang sabi sa poster pwede na raw mag-early sign-up para hindi na kailangang pumila bukas. Tamang-tama, iyon talaga ang gagawin ko.

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon