Siyam

1.7K 95 22
                                    

Siyam

Sa sumunod na mga araw, I'm a living zombie. Pero syempre yung maganda. Zombie, bakit? Kasi doon ko lang narealize na halos wala na pala akong pera sa pitaka ko! Araw-araw, gabi-gabi sardinas at mga iba pang delata ang laman ng kumakalam kong sikmura. Ayoko namang aminin kay Sophia at lalong lalo na kay Attorney dahil ayokong mapahiya.

I don't need anyone's help. I can do this. I can do this--!! Or no.

"Sardinas na naman." maluha-luha kong inililipat sa mangkok ang kabubukas lang na sardinas. May bigas pa naman ako na aabot sa katapusan ng buwan kaya may kanin pa rin akong makakain. Pinainit ko ito sa microwave ng isang minuto. At pagkalabas, voila! Instant food! Doon lang yata ako magaling-- sa pagpapainit sa microwave. Atleast doon, walang nasusunog. Maluha-luha kong kinain ang sardinas gamit ang tinidor at kutsilyo na syang ginamit ko para mahiwa ang malambot na isda. Oo alam kong sardinas pero sa gusto ko ngang kutsilyuhin. Dapat kahit ganito para sosyal pa rin!

Ang saklap ng buhay ko.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ito agad. Pinagmasdan ko ang MK, Coach, at Louis Vuitton kong mga bags. Kinuha ko ang kulay abo kong Louis Vuitton. Sandali ko itong minasdan at hinaplos-haplos. Wala na akong makain. Kung ibenta ko na lang kaya?

"No, no." Niyakap ko ito ng mahigpit. Binura ko na agad sa isipan ang ideya na naisip. "I'm sorry my bag for thinking about selling you. Mommy loves you."

Kung yung red MK bag ko na lang kaya? Pero binili ko yun noong graduation ko noong highschool para regalo ko sa sarili ko. Yung black Coach bag? Regalo sa akin iyon noong isa sa mga make-artist ko sa salon. Minsan lang ako makatanggap ng regalo sa buhay ko kaya, it's a no no.

What about my shoes? Binuksan ko ang mala-baul na pinaglalagyan ko ng mga koleksyon ko at ang isipin pa lang na ang isa sa kanila ay mawawalay sa akin, it made me cry.

With a sigh, I lie on my bed defeatedly. "Anong gagawin ko?" Sa buong gabi, ang sagot sa tanong na iyon lang ang inisip ko.

***

"Anong nangyari sa mga mata mo? Ang laki ng eyebags mo."

"Excuse me, eyeliner ko lang yan. Nag-smudge." mataray kong sagot sa komento ni Sophia na may kasamang irap. Nagkibit-balikat na lamang sya at inabala ang sarili nya sa pagbabasa ng dalang libro. Noong sandali syang nalingat ay inilabas ko ang compact mirror para silipin kung totoo nga ba ang sinabi nya. And hell, she was right. Ugh.

"Buti na lang free time ko ngayon at nakapunta ako rito sa school nyo," panimula nya ulit. Itinago ko agad sa bag ko ang compact mirror.

"Yeah." Pa-cool kong sagot. Maarte kong inayos ang buhok ko. Makikita mo talaga sa mukha nya ang saya. Hindi kasi maaaring makapasok ang outsider dito sa school kung hindi ka estudyante pwera na lang kung may magpapapasok sa'yong kakilala. And that is no other than, moi.

"Grabe Clarisse, ang ganda pala talaga ng school nyo! Nalibot mo na ba itong loob? Super artistic ng building. Wala akong masabi! Kamusta pala yung dance audition mo kahapon? Ano? Kinabog mo ba sila?"

"Unfortunately, hindi natuloy."

"Ha? Bakit? Sayang naman. Pinagpraktisan mo 'yon di ba?"

"Hindi naman ako nagmamadali. Next week sya matutuloy and I will make sure that I will be the best dancer they would have ever known." Iniimagine ko pa lang ang mangyayari, napapatawa na ako sa galak.

"Sinundo ka raw ni Niel kahapon dito sa school? Sorry talaga hindi ako nakapunta sa yaya nyo ni Serene kahapon. Bigla ba naman kasing may nagcall and sick sa part-time ko, ako ang unang tinawagan, hindi ko naman matanggihan."

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon