Lima

2.1K 108 52
                                    

Lima

The nerve of that guy. The nerve of that freaking guy para ngitian ako ng ganun. Argh! Sino ba siya sa tingin nya ha? Siya ba ang may-ari ng school na 'to? Pero masyado na 'yong cliché. Hindi siguro. Hindi iyon, sigurado. Pero leche siya. Leche siya!

Sa ikalawang banda ay parang gusto kong umiyak. Nakita niya ba talaga ang pagtinga na ginagawa ko? Gusto kong magwala. First day pa lang sira na ang poise ko. At sa harap pa mismo ng lalaking iyon!

Nakuhanan kaya niya ako ng litrato? Oh my gosh. Hindi naman sana. Wag naman sana. Kung hindi... masisira ang pangalan ko, ang dignidad ko, pagkatao ko, ang lahat-lahat ko!

I am Clarisse Anne Villanueva. Ang pinakamagandang estudyante na tinanghal noong 2010 na Miss Princeton Ellipses Academy. Ipalamon ko pa sa kanya yung trophy ko kasama na yung ribbon, at certificate.

Walang naiipintas sa akin ang iba bukod sa ugali ko pero sa oras na may naipakitang ebidensya sa madla katulad na lang ng litrato ng pagtitinga ko kanina na may kasamang pagnganga, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. This is the end.

The end of my long agonizing life.

Tinawagan ko si Serene. Unang ring pa lang ay sinagot na nya.

"Sereneeee," padabog akong umupo sa may gilid. Nakasimangot ang mukha. Konti na lang iiyak na ako pero pinigilan ko ang sarili. Ayokong kumalat ang make-up ko sa mukha. Ilang oras ko ring pinaghirapan iyon.

"Clarisse bakit? Nasaan ka ba ha? Sabi ko hintayin mo ako di ba!"

"Ayoko na rito. I want to move!"

"Ha? Bakit? Eh di ba magsisimula pa lang ang klase natin ngayon?"

"Oo nga pero ayoko na rito! Naiinis ako. Bwisit na lalaking iyon!"

"Aah," sabi nya na tila ba puno ng reyalisasyon.

"Anong 'ah' ka dyan?" inilabas ko ang panyo ko at saka suminga. Namumula na ang ilong ko. Hindi na pantay sa make-up ko. This is going bad.

"'Ah' kasi parang alam ko na ang dahilan kung bakit."

"Hoy excuse me, walang nangyari ano, kung ano man 'yang iniisip mo."

Narinig ko syang tumawa sa kabilang linya. "Sus, wala nga ba? Ano? Nadulas ka ba tapos nasalo ka nya? O baka naman nagkabangga kayo sa hallway tapos nanigas ka sa kilig kaya ayan nag-aalboroto ka dahil halos mahimatay ka sa ganda ng ngiti nya sayo?"

"Ha ha ha," I rolled my eyes. "Alam mo Serene dapat hindi ka na nag-Music Major eh. Dapat naging writer ka na lang kasi ang dami mong alam."

"Ito naman pinapatawa ka lang eh! Hindi na mabiro."

"Walang nangyaring ganun 'no! How I wish na ganun na lang ang nangyari katulad ng mga sinabi o katulad ng mga nababasa at napapanood natin sa tv. Pero hindi eh. What happened a while ago was worst. It was a disaster!" Kwinento ko sa kanya ang nangyari sa tinga segway na naganap kanina. Ang inaasahan kong simpatya sa kanya ay isa talagang 'akala' lamang. Dahil pinagtawanan ako ng bruha-- oh no scratch that, humalakhak sya ng humalakhak.

"Walang nakakatawa roon okay. WALA!" ramdam kong umuusok na ang ilong ko sa inis.

"Alam mo Clarisse praning ka lang eh. Ayan kasi, kakabasa mo ng mga Cosmo magazine pati panonood ng kung anu-ano sa tv, kung anu-ano na rin ang iniisip mo."

"Pero malay mo kinuhanan nya talaga ako ng litrato!"

"May nakita ka bang hawak nyang phone o camera?"

Nag-isip ako sandali. "Wala."

"Kitams! Iyang utak mo lang mismo ang lumilikha ng sarili mong multo. Chill ka lang. First day mo ito kaya kailangan mong ienjoy. Tandaan mo ito Clarisse, dream school mo 'to, papakawalan mo lang ba 'yan agad ng dahil lang sa maling haka-haka? Come on Clarisse, I know you're smarter than that."

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon