Labing-lima

1.3K 70 21
                                    

Labing-lima

Monday came at hindi pa rin ako tinatawagan ni Kieth para sa special audition ko. Hindi ko nga alam sa sarili kung bakit pa ako naniwala sa lokong iyon gayong alam ko namang sinadya nya lang kunin ang number ko para matext-san ako. He texted me some freaking random texts about love and life. Kunwari pang GM pero alam ko naman ako ang pinatatamaan. Katulad na lang ng isang GM nya 'raw' kaninang umaga pagkagising ko.

'Noong nakita ko ang mga mata mo habang masungit na sinasagot ang mga tanong ko, mas lalo akong naiinlove sayo. Love you Miss Beautiful! -GM'

Ugh. It made me shiver. Mabuti na lang hindi sya Jeje dahil kung hindi, ihahagis ko talaga sya sa Pacific Ocean!

Sa ikalawang banda, hindi pa rin nagtetext sa akin si Rhydian. Hindi naman sa nag-eexpect ako pero syempre, mas gusto ko nang number nya ang makita kong nagtext sa cellphone ko kaysa naman 'yung mga walang kwentang text ni Kieth.

Busy siguro sa girlfriend nya. But oh well. I don't care.

Nagkaroon ng isang katuwaan sa una kong klase pagkapasok ko sa school. Maaga pa lang ngunit maingay na ang mga estudyante na naghihiyawan at nagsisigawan. May narinig pa akong music na pinapatugtog. Sinilip ko sa buong paligid kung may teacher na maninita pero mukhang wala pa naman akong nakikita sa paligid.

Pumasok ako sa kumpulang tao para makita kung ano ang nagaganap, isang dance battle ng mga kaklase ko ang kasalukuyang nangyayari sa loob.

Dahil sa dami ng tao ay tumuntong na ako sa upuan. Noong hinid makuntento ay sumiksik ako paharap. "Tabi! Tabi! Dadaan ang reyna!" sabi ko bilang pagpapalayas sa kanila. May mga taong nainis, minura ako at sinungitan pero wala akong pake. Makita ko lang ang nangyayari sa harap ng malapitan, iyon ang pinaka-importante sa akin.

Dalawang grupo ang naglalaban, halu-halo ang babae at lalaki. May hip-hop na kasalukuyang pinapatugtog. Ang kaliwang grupo ang kasalukuyang sumasayaw, tatlo sa kanila ang pinakanangunguna sa harap na tila ba sila ang leader ng grupong iyon. At isa na roon ang babaeng nakatapak ng paa ko noong unang araw ko rito sa school.

Pinaningkitan ko sya ng mga mata habang pinapanood ang pagsayaw nya. Huminto ang kanta at napalitan ng bago. Umalis ang isa nilang kasamang babae sa harap kaya ang natitira na lamang ay sya at ang isa pang kasamang lalaki. Dalawa na lang silang sumasayaw ngayon.

Nakasuot sya ng black hanging blouse with a big number '95 printed on it. May suot syang green leopard leggings na sumakto naman sa Nikey shoes nya na may parehas na design. Every move was smooth and calculating. Isinasabay pa nya ang mahaba nyang buhok, swaying it in the beat of the music. The guy on the other hand danced comfortably, like he owns the stage, like every beat is part of his body. He wears a Ralph Lauren blue polo shirt, a gray comfy sweat pants and a black and white Air Jordan shoes. Both of them danced in rhythm at pinaka napansin ko sa lahat ay parehas silang nag-eenjoy sa ginagawa nila— slaying the music, slaying their opponent with a last final whip of their feet.

Napalitan ng bagong tugtog at sinimulan ng kabilang grupo ang pagsayaw sa gitna na ginawa nilang entablado. Doon ko lang napansin na sariling phone nila ang gamit sa tabi. There's a speaker connected to it, which makes the music blast louder than I anticipated. Katulad nila ay may dalawa ring sumayaw sa harap ng grupong ito, babae at lalaki rin. They are good, but not as good as the first group. Naghihiyawan ang mga tao sa paligid, nagsisigawan habang sumasabay sa tunog ng musika na bumabalot sa buong kwarto na ito.

What I noticed in Dion School of the Arts, each of the students are pretty talented on their chosen field. Halata ngang piling-pili ang mga estudyante dahil kahit na ba 'yung mga taong stand-by at nanonood lang sa tabi ay nakakasabay sa mga nangyayari. May sumasabay sa kanta, sumasayaw-sayaw rin sa tabi habang sumisigaw ng suporta, may mga nagdrudrums pa nga—lahat sila ay tila ba nagkakaisa kahit na ba iba-iba sila ng ginagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon