Labing-apat

890 51 33
                                    

Labing-apat

Isa lang ang klase ko sa hapon kaya pagkatapos no'n ay napag-isipan kong umuwi na lang. Kumain na ako ng tanghalian, thanks to Rhydian na nilibre ako ngunit sa panghapunan, hindi ko alam kung paano ko matutugunan ang kumakalam kong sikmura. Sa kakarampot na tinapay na natitira sa banga kong gawa sa bato, ang mga putik sa aking paa gawa ng pangangaso sa kagubatan--

Haha! My gosh. Dinaig ko pa ang nasa stone age!

Ako mangangaso? Sa ganda kong ito? Ako 'yung tipong pinagsisilbihan, hindi ang naninilbi. Gosh.

I flipped my hair and started to open my iphone. Nagselfie ako sa sarili, yung inosenteng ngiti na kahit si Maria Clara kapag nagkaharap kami ay mahihiya sa akin.

First one was fugly, second one was hilarious while the last one was fabulous. Iyon nga lang, wala akong pinost kahit isa dahil masyado yatang perpekto ang mukha ko. Ayokong magkagulo nang dahil doon kaya I am giving my followers a favor.

Tahimik akong naghu-hum habang binubuksan ang pintuan ko sa pamamagitan ng dalang susi.

Am I in a good mood? Oh yes! I am in a good mood.

Sa tabing kwarto ay may naglilipat ng mga gamit. May bago yatang tenant sa tabi ng apartment namin.

Hmm...

Dahil wagas ang pagkakyuryosidad ng dyosa kong utak, tahimik akong pumunta roon at saka sumilip.

"Excuse me po?" Nagulat ako noong may kumalabit sa akin. Huling-huli ako sa akto pero madali kong inayos ang sarili na akala mo walang nangyari.

"Yes?" Taas kilay kong tanong. Sa likod ko ay ang mga lalaking nakauniporme na may dalang appliances. Sila yung mga lalaking nagbubuhat kanina.

"Ano pong kailangan nila? May hinahanap po ba kayo?"

"Wala naman." Sagot ko.

"Ganun po ba? Pasensya na pero kailangan po naming dumaan papasok."

"Yeah, sure." I stepped aside. Kunwari wala akong pake pero ang totoo nyan nangangati na ang utak ko sa pag-iisip kung sino ang magiging bago naming kapit-bahay.

"Kuya," tawag ko roon sa nag-iisang lalaki na natitira malapit sa may pinto, pumasok na kasi ang iba nyang kasama sa loob. Hindi ko alam kung nagpa-tan ba sya o talagang sobrang moreno talaga ng kulay nya pero... Okay, maitim sya. Mas lalo pang dumilim ang tingin ko sa kanya dahil sa black over-all nyang uniform. Hindi na lang ako nagsalita kahit sa totoo lang, hindi nya bagay ang suot.

"Bakit po ma'am?"

"May bagong tenant po na lilipat?"

"Meron po ma'am." Tumawa sya na akala mo ang tanong ko ay katawa-tawa. "Hindi po ba halata?"

Aba loko ito ah. Nagtatanong ako ng maayos, ako pa ang babarahin nya?

"Ay hindi." Sarkastiko kong iiling. "Hindi talaga kuya. Akala ko kasi dilim ang nakikita ko eh. Oh no, anino. Yes, akala ko anino ang nasa harapan ko sa sobrang dilim kaya hindi ko napansin. Sorry na itinanong ko pa. Sarili ko lang pala kausap ko. Ha-ha-ha." I rolled my eyes. Binigyan nya ako ng tingin. I flipped my hair and then just went back on my own business, opening my door. "And oh," maarte ko syang tinuro gamit ang daliri ko. "just to let you know. If you think you look cool in that uniform, think again. Good bye." Isinara ko ang pinto ko at dumiretso sa kama ko.

Pagkatapos maligo, maglotion at magsipilyo, tumayo ako sa gitna ng kwarto ko upang pagmasdan ang buong paligid.

Ano na bang sinabi ko kanina sa shower na gagawin ko?

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon