Tatlo

2.1K 116 20
                                    

Tatlo

Pascroll-scroll lang ako sa cellphone ko noong biglang tumunog ang tyan ko. Mag-oorder na lang sana ako ng pagkain pero naalala ko, kasisimula lang pala ng 'budgeting month' namin ni attorney. Kabibigay nya lang sa akin ng pera ko para sa buwan na ito.

Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, ngayon lang ako nainspire na magluto. Sabi kasi ni Serene mas madaling makatipid ng pera kung sa pagkain pa lang ako na ang magpreprepare.

Kung ganun, ayos! Magmula ngayon ako na ang magluluto para sa sarili ko.

Binuksan ko ang ref. Ang laki ng ngiti sa aking mukha. Gayunman, mabilis naglaho iyon noong wala man lang akong nakitang ni isang laman dito. Hindi man lang ba naggrocery yung letseng yaya na yun? Tapos naalala ko, wala na pala akong yaya. Iniwanan ko na silang lahat sa bahay namin.

"Gutom na ako." I dramatically lie down on my sofa.

Gusto kong manguha ng yaya para kahit sana tagaluto lang o kaya tagapalengke pero sabi ni attorney wag daw. Kailangan na matuto akong mag-isa.

Umupo ako agad dahil sa naisip. Tama, hindi ako pwedeng magbulakbol. Tama si attorney, hawak ko na ang buhay ko. Kailangan ko na itong imaneho bago pa maimaneho ng iba. No way I'm going to let that happen again. This is my life.

Hila-hila ko ang maliit na cart sa super market at sa nakikita sa paligid, hindi ako makapaniwalang narito ako ngayon at mabibili ko lahat ng gusto ko.

Yes, nabibili ko lahat ng gusto ko kahit noon pa man pero iba ito. This is all about groceries, foods and such! Never in my lifetime I've been in this kind of place dahil meron na kaming yaya na gumagawa ng lahat. Ang gagawin ko na lang ay kumain at matulog.

Is this the meaning of real independence? If yes, I'm loving it!

Tuwang-tuwa ako na naghakot nang naghakot sa lahat ng pagkain na gustuhin ko. Noodles, biscuits, chichirya, soda at marami pang iba! Kinuha ko lahat ng dati-rati ay ipinagbabawal lang sa akin nila tito dahil masama daw sa kalusugan, masisira ang ngipin ko and yada yada yada. Now scratch all of that because I'm going to enjoy my life.

"Hi ma'am, P5,673.15 po lahat." sabi sa akin ng kahera. Binilang ko ang cash na meron ako at masaya itong iniaabot sa kanya.

"Oh no it's okay my dear, keep the change." Kindat ko pa sa kanya. Kawawa naman kasi sya. Her make-up is so yucky. Donasyon ko na para sa mga katulad nyang hindi pinagpala. Umalis ako roon na masayang-masaya.

Pinaiwan ko muna ang lahat ng pinamili ko sa baggage counter at napag-isip isip munang maglakad-lakad sa mall.

Sa isang shoe shop ay may nakita akong bagong labas na paninda.

"Oh my gosh! Yung scarlet 4 inch heels na matagal ko nang hinihintay nandito na!"

Sabik na sabik ko itong kinuha bago pa ako maunahan.

"P3,521 po lahat ma'am."

"Okay." Inabot ko sa kanya yung pera.

Lumipat ako sa ibang shop.

"Oh my gosh! Gusto ko ng ice cream na yun!"

"P150 po ma'am."

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

"Oh my gosh may bago nang cd yung favorite kong band!"

"P350 po ma'am."

At sa sumunod pa.

"Oh my gosh! Sa wakas nakita ko na rin yung susunod na volume sa inaabangan kong series!"

"P450 po ma'am."

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon