Sampu

1.7K 93 49
                                    

Sampu

The nerve of that freaking bitch to ruin my perfectly gorgeous nails. How dare she! Masakit man sa loob ko na kukuhan ang aking kuko upang magpantay sa natapyasan kong kuko (wow medjo maraming kuko 'yun ah), ginawa ko pa rin. For the sake of my sanity. For the sake of the world. For the sake of our entire existence in this planet earth, yes, my nails are that important. At walang makakapigil sa akin.

Pucha. Pabebe lang?

"Hoy Clarisse, anong binubulong-bulong mo riyan? Mamaya bumubulong ka na pala ng sumpa dyan ng hindi namin nalalaman ah." Umupo si Andrei sa may sofa. May hawak syang chichirya sa kamay nya. Umabante sya sa akin ng konti na tila ba bumubulong. "Pero Clarisse di nga, meron ka bang alam na spell dyan na pampapayat? Try mo naman sa akin o. Pinapatay na ako nina Deck at Owen sa pagdyedyeta eh. Mamamatay na ako sa kakatakbo at kaka-jogging araw-araw."

I rolled my eyes at him.

"Sa buhay Andrei the loser," inemphasize ko talaga ang huling salita para sa kanya. Napahawak sya sa dibdib na tila ba may kung anong punyal ang tumama roon. He even dramatically fell down on the sofa pero hindi naglaon ay tumawa rin. Ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko. "walang short-cut short-cut. Kung gusto mong magkaroon ng halaga ang isang bagay dapat pinaghihirapan."

"Ang hard mo pa rin talaga Clarisse. 'Geh na 'geh na."

"I'm just saying the truth. Because I believe that the truth-"

"Will prevail?" dugtong nya sa sinasabi ko. Itinaas ko ang maganda kong kamay sa tapat ng mukha nya para sabihin na kung pwede patapusin muna nya akong magsalita.

"The truth will set you free. Tanga."

"Sya din 'yon. Iniba mo lang yung wordings eh."

"Atleast mas maganda yung akin. Hindi yung katulad ng sa'yo, pang dyaryo. Cheap."

"Atleast sa akin pang dyaryo, sa'yo gasgas na sa mga telenobela at cliche na sa mga libro."

I made an 'L' sign. "Whatever. Loser."

Dumating si Owen mula sa kusina. May hawak din syang pagkain sa kamay nya na sigurado akong kinalkal nya lang sa kusina ng hindi nagpapaalam kay Aries. Feeling nya naman apartment nya ito. "Wooh! Nagsalita na naman si Miss Word of Wisdom. Ang dami mong alam. Magbalat ka na nga lang ng patatas."

"Nahiya naman ako sa'yo Owena Lavinia. Kailan pa kayo naging friends ni Andrea Becky at pinagtatanggol mo s'ya?"

"Ha ha. Nakakatawa."

"Sige tawa ka lang. Last mo na yan eh." I flip my hair victoriously. Sabay pang-inis pang bulong nang "Owena" sa kanya. Tumawa si Andrei. Inis na sana syang susuntukin ni Owen noong marinig namin ang tanong ni Aries.

"Kumain na ba kayo? Gusto nyong ipagluto ko kayo?"

Sa pagkakarinig pa lang ng salitang 'pagkain', sabay nang nagsitaasan ng kamay sina Owen at Andrei. Kasabay rin ng pag-agree nila na lutuan sila ni Aries ay ang pagsusumbong ko naman sa kanya na inaapi ako ng dalawa, with dramatic epek para convincing.

"Hoy Aries! Wag kang maniwala sa demonyitang 'yan. Sya inaapi? Eh kami kaya ang naaagrabyado rito!"

"Tama!" na sinegundohan ni Andrei. Pero sa totoo lang nyan wala naman syang pakialam. Sinusuportahan lang nya si Owen dahil nasuhulan ng pagkain.

"Tinawag nya akong Owena! Nakakainsulto na ah. Anong akala mo sa akin? Bakla? Halikan kita dyan eh."

"Tama!"

Maarte kong itinaas ulit ang isang kamay upang hindi sumang-ayon sa sinasabi nya. 

"Oh please. Never would I ever dream of you touching my precious skin especially my precious lips. Dream on." Sabay pitik sa dulo. He made a face. Inirapan ko sya.

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon