Labing-isa

1.4K 82 54
                                    

Labing-isa

Ang Seven Hunters ay binuo ng dating Gangster Queen bago pa nya pinasa ang trono kay Death na syang bagong Gangster King. Yes, totoo ang narinig nyo. Gangster Queen and King do exist. At least, sa Mafia Society kung saan ang mga gangster at assassin ay nag-eexist. Yes it sounds absurd, but they are real like you and me.

 Ang 'Society' na ito ay sikreto sa karamihan lalo na sa mga ordinaryong tao. Yung mga kilala nyong gangster kuno r'yan sa kanto? Naku, mga mabababang uri iyon ng mga gangster sa Mafia Hierarchy. Mga basagulero, walang napag-aralan at mga salot sa lipunan ng Mafia Society—ganyan namin sila ihambing. Tanungin nyo sila tungkol sa Mafia Society lalo na kung tungkol sa Gangster Queen at King, karamihan sa kanila ay pagtatawanan ka lang at sasabihin na walang gano'n. Gano'n ang mga sagot nila dahil wala silang alam. Wala. 

They only knew about the surface of an iceberg, not underneath. Poor them, I know.

We, on the other hand, ay kaibigan ng Queen kaya di hamak na mas alam namin ang nangyayari sa Society kumpara sa kanila. Gano'n talaga ang mga gwapo at magaganda, tulad ko. Ang kumontra, babarilin ko.

"Oh shit."

"Ano ba naman 'yan Clarisse, halos mag-iisang taon na hindi ka pa rin ba natutong maghawak ng baril?"

"Eh kasalanan ko ba kung kusa syang tumatalon kapag kinakalabit ko na ang gatilyo? Sinasabotahe mo yata ako Deck eh!" iritado kong sagot sa kanya pabalik. "Bakit sa'yo hindi tumatalon kapag nagpapaputok ka? Palit tayo ng baril!"

"Clarisse, hawakan mo kasing mabuti, yung madiin, yung parang naghahawak ka ng lubid na ayaw mong pakawalan sa kamay mo kundi mahuhulog ka sa bangin! Yung mga gano'ng feeling!"

"Paano ba? Ganito? Like this? Like that?" pakita ko pa sa kanya pero wala ang tingin nya sa akin. Kasalukuyan na kasi syang nakikipagputukan sa mga kalaban na hinabol namin sa kagubatan, di kalayuan lang din kung nasaan ang Ellipses Headquearter. Narito kami ngayon sa likod ng isang natumbang malaking puno at nagtatago. Pinagpapawisan na ako sa kakatakbo at kakalusob sa mga mabahong lalaking iyon. Nanlalagkit na ako. I feel yucky. Lalo na itong inuupuan ko ngayong basang lupa. Please Lord, please, wala naman sanang kung anu-anong insekto ang gumagapang dito.

And so, I pray to God.

"Clarisse! Ano bang ginagawa mo? Bantayan mo ang likod ko baka may kalaban!"

"Nagdadasal ako wag kang istorbo."

"Ano?!"

Patuloy ang barilan pati na rin ang mga bugbugan sa paligid. Narinig kong sumigaw si Aries di kalayuan. Kasama nya sina Andrei at Sophia na syang inuutusan nya sa kung ano ang mga gagawin. Si Owen? Ewan ko sa lalaking iyon. Malaki na sya. Hindi na kailangang isipan pa.

"Clarisse!"

"Sa ngalan ng ama, anak, at sa espiritu santo, Amen." Matapos mag sign off the cross ay muli kong pinulot ang baril sa tabi ko. I even gave it a a quick kiss para buena mano. "Please, huwag kang tatalon okay? Tumama ka na naman. Kahit isa lang. Kahit sa paa lang ng kalaban. Please, please, please! Huwag mo akong bibiguin." Bulong ko pa roon bago ako naging alisto.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa baril ko tulad ng sinabi ni Deck. May nakita akong kalaban di kalayuan na lumulusob sa amin. May dala syang malapad na kahoy.

"Clarisse! Paputukin mo na!"

"Heto na heto na! Kamehame... waaave!" Kinalabit ko ang gatilyo ng buong tapang pero pumikit muna ako. May narinig akong bumagsak. Idinilat ko ang mata. "Wait, natamaan ko ba?" tanong ko kay Deck.

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon