Labing-tatlo

1.4K 76 23
                                    

Labing-tatlo

"Lumayo kayong lahat sa daraanan ko!" Iyon ang unang-unang lumabas sa mga labi ko pagkalabas ko sa auditorium kung saan ko iniwan si Kieth. Ibinalibag ko ng napakalakas ang pinto sa likod ko. Natahimik ang mga estudyanteng nakapaligid pero alam ko naman na sa matalim kong tingin ay hindi na nila ako kwekwestyunin dahil pumagilid sila agad. Katakot lang nila na makaharap ang kamandag ng isang Clarisse Anne Villanueva.

Nakuha ko pang ayusin saglit ang buhok at damit bago sopistikadang rumampa sa gitna ng daan na ibinigay nila para lang sa akin. Di bale nang wala akong make-up kundi ang pulang lipstick lang sa labi ko. Di bale na kung hindi talaga ako nakapag-ayos dahil alam ko pa rin naman na maganda ako.

Oo. Maganda ako.

May opinyon ka?

Pakialam ko?

Bwisit na change of schedule yan kaya hindi ako nakahabol sa audition! At higit sa lahat bwisit na Kieth Ababio na yan. Bwisit na lalaking gwapo na masyadong mataas ang bilib sa sarili.

Kung inaakala nyang isa akong easy to get na babae katulad ng playmate nyang si Valentina. Pwes, he really made a mistake seizing me up like that.

"Good morning po ma'am," may isa akong babaeng nadaanan, naka-unifrom, may hawak na mop at may mga dalang gamit na panglinis. Her hair is on a tight bun. May konti na rin syang wrinkles sa gilid ng kanyang mga mata.

40's? 50's? Can be.

May magandang ngiti sa labi nya na akala mo ang umagang ito ay isang biyaya sa kanya. Tinaasan ko lamang sya ng isang mataray na kilay. 'Yung aabot sa pinakahuling palapag ng gusali na ito.

Anong ikinaganda ng umagang ito? Ha.

Kaya katulad ng ginawa ko sa ibang mga taong nadaanan ko magmula pa kanina—oh no scratch that, mga taong nadadaanan ko magmula pa noong nagkaroon na ako ng isip (yes, in born na yata ang pagkakaroon ko ng sungay), inirapan ko sya at nagpatuloy sa paglalakad.

Gayunman ay nahagip ng paningin ko ang suot nyang maliit na ID sa dibdib, Ena, iyon ang pangalan nya. Funny, magkapangalan sila nu'ng fashionistang janitress na pinakilala sa akin ni Rhydian noong isang araw. Akala ko ba magarbo ang mga janitress sa paaralan na ito? Ngayong nakita ko sya, mukha naman na yatang normal ang uniform nila?

Note to self, kapag nakita ko ang fashionistang Ena na iyon minsan, reregaluhan ko sya ng uniporme nang sa ganun naman ay hindi ko mapagkakamalan ang lahat ng estudyante rito sa Dion School of the Arts na isang janitress.

***

My other classes was boring. Or was it because until now, bad trip pa rin ako?

11 noon. Tulad ng sinabi ni Kieth ay sinundo nya ako sa labas ng klase ko. Ewan ko kung paano nya nalaman ang schedule ko. Maybe because of Valentina? Oh that snake girl. That's why you can't ever trust a person like her.

Tinakpan ko ang napakaganda kong mukha gamit ang libro na binabasa ko kanina. Nasa dulo si Kieth na tila ba may hinahanap. Nakisabay na rin ako as mga kaklase ko sa paglalakad. I don't want to deal with that guy. Baka ipalamon ko lang itong hawak kong libro sa esophagus nya at nang sa gano'n malaman nya kung gaano kasakit na hindi man lang nya ako pinagbigyan sa audition. Pero kakausapin nya ang ibang coaches para sayo. Pagdadahilan ng papansin kong utak.

Yeah, right. But still, I'm not in the mood. I don't know why. Parang depress ako na naiinis na nagugutom na hindi ko maintindihan. Ano kaya ang pagkain sa canteen ngayon? I like to eat something sweet. I don't know. Maybe, like cheesecake?

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon