Isa

3.1K 157 51
                                    


Isa

Buhat-buhat ang mga gamit ko pati na rin ang dalawang maleta ay nagmamadali akong bumaba sa may hagdan.

"Sige lumayas ka! Dyan ka naman magaling eh. Wala kang utang na loob na bata ka! Wala kang mapapala sa amin ni singko tandaan mo yan!"

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Ayaw ko syang patulan dahil kahit papaano may respeto pa rin ako sa nakatatanda. Pero sobra na sya— sila. Hindi ko na kaya.

"I'm fucking 18 years old for crying out loud! I can do whatever I want and you can never stop me. Pwede ko nang gawin ang kahit na anong gusto ko sa buhay ko. Hinding-hindi nyo na ako makokontrol!"

"Aba't talagang, pinagtatasan mo na ako ng boses ngayon? Sige lumayas ka sa bahay ko. Lumayas ka!"

"Bahay mo? O bahay ko?"

Napasinghal ako ng tawa. Hindi ako makapaniwala na masyado syang ilusyonado.

"Nananaginip ka yata tanda? Or I mean, tito?" Tumawa ako ng napakalakas. Yung pambwisit kong tawa. "Baka nakakalimutan mo, nakikitira lang kayong dalawa ng walang kwenta mong asawa dito sa pamamahay ko. Pero sige, bilang kunsiderasyon ko na rin sa inyo sa ilang taon na pagiging guardian ko para may taga-pirma ng fieldtrip form at report card ko, fine. Ang bahay na ito? Sayong-sayo na. Isaksak mo pa sa bituka mo at sa asawa mong mukhang pera!"

"Napakabastos mong bata ka! Matapos namin kayong kupkupin noong namatay ang mga magulang nyo ganito pa ang isusukli nyo sa amin?"

"Oh, shut up." Pagkababa ko ng mga gamit ko sa baba ay maarte kong inayos ang buhok ko. "Tito wag na tayong magplastikan dito. Kinupkop nyo lang naman kami para sa perang makukuha nyo sa amin hindi ba?"

Magsasalita pa sana sya pero iniharang ko na ang kamay ko sa harap nya.

"Nakakatawa nga na naghintay pa ako ng isang taon para lang gawin ito gayong legal naman na ako noong mga nakaraang buwan. Pero hindi ko ginawa. Alam nyo kung bakit? Dahil umasa pa rin ako na baka sakaling magbabago pa kayo sa kabulastugan na ginagawa nyo. Akala nyo ba hindi ko alam? Na ninanakawan nyo ang kumpanya na iniwan sa amin ni papa? Na yung funds na iniwan sa amin para sa pag-aaral namin ay marami na ang nabawas dahil sa misteryosong pagwiwithdraw ng asawa nyo sa account ko? Oh tito, get a life. Hindi ako tanga. Akala nyo makokontrol nyo pa ang buhay ko? Hindi na. Kaya kung ayaw nyong lumayas sa pamamahay ko. Ako ang lalayas."

"At saan ka pupunta?" galit nyang balik-sagot. "Wala kang alam gawin ni ano sa buhay mo dahil lumaki kang may kutsara sa bibig. Saan ka mag-aaral? Anong kukunin mo? Sa tingin mo yayaman ka kapag tutuloy ka sa Art School na pinapangarap mo para maging isang sikat na dancer?" mapakla syang tumawa. "You will going to fall hard my dear. Wala kang mapapala sa pagsasayaw na yan. Hindi ka yayaman dyan! Nalulungkot ako para sa kahihinatnan ng kumpanya ni kuya. Wala man lang magmamana. Tapos paaalisin mo pa kami sa kumpanyang iyon? Sino na lang ang magpapatakbo? Sa tingin mo ba mapagkakatiwalaan ang iba sa board of directors doon? Hindi! Your family's company will fall kasabay mo!"

Hindi ko na napigilan ang sarili at nakipagsabayan sa galit nya.

"Kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay ko ay wala ka nang pakialam. Anong gusto mo ikaw pa rin ang mamahala nu'n? Mangarap ka ng gising! So what if I dream to be a famous dancer? Tumatawa ka ngayon pero patutunayan ko sa inyo na mali na minamaliit nyo ako. Because one day I will be big. At ihahampas ko sa makapal nyong mukha ang yaman na pinaghirapan ko!"

Nagmadali akong lumabas ng bahay dala-dala ang mga gamit ko para tumawag ng taxi.

Bulyaw pa rin ng bulyaw si tito, pilit na ibinababa ang sarili ko para hindi ko magawa ang mga pangarap ko.

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon