Pito

1.8K 104 47
                                    

Pito

Kinabukasan ay handang-handa na ako para sa audition. Grabeng pagprapraktis ang ginawa ko kagabi sa harap ng salamin. Mabuti na lang talaga hiwalay kami ng kwarto ni Serene kundi baka nabuko na niya ang mga kalokohan ko. Bukod pa roon, gagabihin daw siya ng uwi dahil may aasikasuhin.

Lahat na yata ng dance move na matagal kong binuo ay napagsama-sama ko na sa wakas. Gayunman, masyado yata akong nadala sa pagprapraktis dahil may ilang beses na may kumatok sa akin na mga kapitbahay. Sabi raw nila ay may naririnig daw silang kalabog nang kalabog kahit dis-oras ng gabi. Nakakairita. Ang aarte nila. Paano ako magprapraktis ng sayaw kung ganun? Anong gusto nila dahan-dahan lang ganun? Hiphop ito, hindi pandanggo sa ilaw. Gosh.

Ang aga pa ng gising ko dahil kailangan kong mag-ayos at magpabeauty. Kailangan magandang-maganda ako sa audition para mabighani sila sa akin, hindi lang sa gandang taglay ko kundi pati na rin sa talento ko.

Nagsuot ako ng black legging para kumportable. Suot ko rin ang itim na tube bra na pinatungan ko ng violet tank top at meron din akong mahabang kwintas hanggang dibdib kung saan nakasabit ang disenyo nitong key pendant.

At dahil espesyal ang araw na ito, ginamit ko ang mamahalin kong pabango na syang bagong pinakapaborito sa koleksyon ko.

Humarap ako sa salamin para pagmasdan ang sarili.

"Grabe, ang ganda-ganda ko talaga, matalino at nag-uumapaw pa sa confidence!" Kinindatan ko ang sarili sabay flying kiss. "I love you Clarisse!"

Namili pa ako sa akung shoebox collection kung anong sapatos ang isusuot ko ngayon. Ang shoebox na ito ay isang shoe cabinet na hugis shoebox na kapag binuksan mo ay may dalawang layers sya ng drawer. Mula sa heels, sandals, boots hanggang rubber shoes nandito.

I know right, mahilig kasi ako sa sapatos.

Pinili ko ang gray Skechers sneakers na may disenyong maliliit na pink spiral sa baba.

Isang huling check sa salamin ay masaya kong ini-lock ang pinto bago dumiretso sa school.

I am so ready.

Kinatok ko amg kwarto ni Serene. Wala namang sumagot. I guess, tulog pa yun. Mabuti na lang mamaya pa ang klase nu'n kung hindi, siguradong late na naman siya.

Nag-iwan na lang ako ng note sa ref. Ipagdadasal ko sa Diyos na wag siyang ma-late.

10:30 am ang class ko ngayon at ang dance audition ayon sa poster na nakita ko kahapon ay 8:30 am. Alas-otso pa lang ay nasa school na ako dahil malapit lang naman ang apartment namin. Mga 5 minutes walk lang. Masakit mang aminin pero fine, maganda ang location na napili ni attorney para sa apartment namin.

"Good morning Miss Ganda." bati sa akin ni Manong guard pagkapasok ko sa school campus. Inirapan ko na lamang sya dahil wala ako sa mood. Sa harap ko ay may bumangga sa akin na isang nagmamadaling estudyante. Naapakan nya ang pinaka-iingatan kong sapatos at hindi man lang nagsorry. Ako nga hindi ko ito dinudumihan tapos sya aapakan lang ng ganun?

How dare she!

"Hoy!" habol ko sa kanya roon sa loob. Hindi nya ako pinansin dahil nagmamadali syang tumakbo. Mukhang late na yata sa klase nya pero wala akong pakialam. Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa naunahan ko sya. Pasimple akong tumayo sabay halukipkip, mabilis ko syang pinatid.

"What the--" sumemplang sya sa baba isang bagay na ikinatuwa ko. Serves you right. Ha!

"Ano bang problema mo!" Tumayo sya agad sabay pagpag ng nadumihan nyang pwet. "Hindi mo ba alam na late na ako sa klase ko ha? Kita mo na ngang nagmamadali eh! At anong tinatawa-tawa mo dyan? Walang nakakatawa sa ginawa mo okay?"

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon