Labing-dalawa

2K 97 40
                                    

Labing-dalawa

Umaga ng  Lunes, nagising ako sa malakas na pagvivibrate ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko ang higaan ko para sa cellphone na hinahanap pero hindi ito mahanap ng kamay ko. Naramdaman ko ang muli nitong pagvivibrate. Lintek na alarm.

"Ugh. Stop!" Kinuha ko ang unan upang takpan ang tenga. Ayoko pang bumangon. Please let me sleep. Ang sakit pa rin ng katawan ko dahil sa training na ginawa namin kahapon. Nagtarget shooting kami at ano pa nga ba, bokya pa rin ang lola nyo sa pagtira.

"What the freaking—" Nanlaki ang inaantok kong mga mata noong makita na mag-aalas nuwebe na ng umaga. Ngayon ang continuation ng naudlot na dance audition at magsisimula ito ng alas nuwebe... "I am so dead."

Halos madapa-dapa akong tumakbo diretso sa banyo ko upang magpalit. Paglabas ko sa kwarto ay naabutan ko si Serene sa kusina kasama si Jace?!

"Ang aga-aga namang landian 'yan. Wala ba kayong mga pasok?" 

Naka-apron si Jace samantalang si Serene ay nakaupo lang malapit sa counter. Tumingin silang dalawa sa akin. 

"Good morning, Clarisse! Tara kain! Nagluto si Jace ng breakfast." 

There are so many food in the table. Nakakalaway sa sarap itsura pa lang. But I'm on a rush, I need to go. Nanguha na lang ako ng bread toast sa isang pinggan doon. May avocado at maple syrup sa ibabaw. 

"Ito na lang kukunin ko, salamat! But I need to go! Bye!" 

Pagdating sa school ay sobrang bilis ng pagtakbo ko. Akala mo may humahabol sa aking halimaw sa likod.

"Tabi! Tabi!" tulak ko sa mga pakalat-kalat na tao sa daan ko. It's 9:15 already. Nagpalit lang ako, hilamos at toothbrush. Wala rin akong make-up for goodness sake. Binawi ko na lang ang ganda ko gamit ang mahiwagang makapal na pulang lipstick.

Binuksan ko ang malaking pintuan ng auditorium para sa aking grand entrance. 

"Nandito na ako!"

Nagsitinginan ang mga tao sa loob. May play na nagaganap. Wait... "Oh shit! Wrong auditorium!"

Tumakbo ako pabalik sa East Wing. Nakalimutan ko na bawat 'Wing' ng building ng school na ito ay may sariling auditorium. Kung minamalas ka nga naman. Kaya ayokong nala-late. Nakakasira ng poise!

Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko pagdating ng tamang auditorium na nakasabit sa poster. Sinilip ko muna saglit kung may dance audition bang nagaganap at positive. Huminga ako ng malalim. Isinuklay ko ang mga daliri sa malambot at mahaba kong buhok.

"Okay Clarisse, this is it!" Binuksan kong muli ang pinto upang pumasok.

"Okay guys! Thank you for coming. The audition is over. Malalaman nyo na lang ang resulta bukas. Salamat." Nagsitayuan na ang mga tao na naroon. Nakanganga ako sa kinatatayuan ko.

Tapos na? What the hell?

"W-What?" Tinakbo ko ang mga judges na nakaupo sa tapat ng mahiwaga nilang mahabang mesa. "Wait, tapos na ang audition?"

Humarap sa akin ang isang lalaki at nagulat nang makita na si Kieth ito. Yung lalaki mahangin na nakita kong kahalikan ni Valentina.

"Oh hi there Miss beautiful," kindat nya sa akin. Inaayos nya ang mga folders sa harap nya.

"Wag mong sabihing dance coach ka rin?"

"Oo. Hindi ba halata? Ikaw Miss ganda ah, nakakasakit ka."

"At ito ba ang audition for Junior Dance Team?"

"Tumpak ka dyan." Nakangiti nyang tango.

"Eh bakit... bakit... bakit natapos na agad?! Hindi ba sinabi roon sa poster na dahil napostponed last week ang audition ng 10:30, itutuloy ngayon ng 9:00 am? Bakit tapos na? Fifteen minutes lang ako late!"

Love and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon