Shammie's POV
"Shammie ? Pwede ba tayong mag usap ?".Lumapit sya sakin at umupo tabi ko .
"Nathan ,wala na tayong dapat pag usapan". Diretso kong sabi .
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin napapatawad ang kapatid ko ?"
"Pinatay nila ang puso ko Nathan". Habang naka tingin sa malayo .
"Akala ko ba mahal mo ko ? Bakit hindi mo na lang un kalimutan .. "
Tumingin ako sa kanya. "Matagal ko ng nakalimutan un Nathan pero hanggang ngayon nandito pa rin un sakit ! " :'(
Hinawakan nya ang kamay ko. "Pero pano tayo Shammie ?" Nangingiyak na sabi nya .
Umiwas ako ng tingin. "Walang tayo Nathan ,at hindi magkakaron ng tayo". Tinanggal ko naman ang kamay nya .
"Please Shammie , alam ko mahal mo rin ako .Sana naman kalimutan mo na un at sundin mo kung anong tinitibok ng puso mo ... " Hindi nya na ako pinag salita at umalis sya sinundan ko lang ng tingin hanggang sa tuluyan na syang nawala sa paningin ko.
(Tok ! Tok ! Tok !)
"Shaaaaammie ??" Tawag ni kuya Cloud.
Sh*t ! O__O
Nananaginip lang pala ako ! Bakit ngayon ka pa ng gising ?! Kuya naman oh ! Drama queen ang peg ko eh !
"Bakit kuya ?!" Sigaw ko
"Gumising kana dyan! tumawag si Czaira dito pupunta daw sya ng lunch time. Bumangon ka na dyan at 9:45 na !"
"Susunod na kooo !" Tumayo na ko sa kama at pumunta sa cr para mag toothbrush.
Bago ako bumaba tinignan ko ung cellphone ko kung may nagtext .Pero puro gm lang ng classmates ko tsaka isang text ni Mongoloid -__-
From: Nathaniel'MONGOLOID
/Goodmorning sungit ^.^/
Hindi ko sya nireplayan hinagis ko na lang ung cellphone sa kama at bumaba na sa kusina.
"Good Morning". :) Bati ko sa kanila.
"Ate ,tabi tayo ^.^" alok ni baby Kyle sakin.
"Sure baby". Kaya naman umupo ako sa tabi ni Kyle.
"Shammie ,may gagawin ka ba mamayang hapon ?" Tanong ni kuya.
"Hindi ko lang alam kuya ,bakit ?"
"Punta kayo ni Kyle sa Mall mamaya ,hindi ko kayo masasamahan kase gusto kong magpahinga."
Alam ko na kung bakit .Nakakuha na ng sweldo si kuya ! :D
Kaso hindi sya makakasama kase gusto nya daw magpahinga .Si Czaira na lang ang isasama ko para may taga bitbit kami ni Kyle . :)
"Baby ,gusto mo eat tayo ng fries na idi-dip sa ice cream ?"
"Yes ate !" Sabay subo ng hotdog .
"Kuya ,sila Mama anong oras dadating ?"
"Hindi ko alam basta sabi ngayong sabado daw."
"Ano ba kaseng problema ?"
Tumayo si kuya at ginulo ang buhok ko. "Wag na maraming tanong shammie". Lumapit naman sya kay Kyle. "Baby si Ate na bahala sayo mamaya ah ,pagod si Kuya kaya hindi makakasama."
"Its ok kuya ,just take a rest."
"Shammie ,na kay Manang na ung pera. Mauna na ko sa taas". Nag nodd lang ako kase may laman ang bibig ko kaya hindi ako makapag salita.
BINABASA MO ANG
Open Your Heart Again
Fiksi UmumMagagawa mo bang muling buksan ang puso mo para papasukin ang iba at alagaan ito ? Kahit na may ka ugnayan sya kung bakit nagsara ito ? --- This is my first story ^_^ Hope you will support it . GOD Bless !