Shammie's POV
At dahil sabado ngayon, isang boring na araw nanaman ang matatapos ngayon. -__-
Kakatapos ko lang magbreakfast at maligo kaya eto ako ngayon nasa kwarto at nagiisip ng gagawin. Kinuha ko ang cellphone sa tabi ng lampshade.
15 message ..
Nakasilent nga pala ang phone ko kaya hindi ko ito naririnig na nagbebeep. Puro gm ng mga classmate ko at ni Czaira kaninang madaling araw.
From: Nathaniel'MONGOLOID
/GoodMorning Vilasco ;-)/
Wala akong balak na replyan sya -_-
Nabobored na talaga ako. Bumaba ako sa sala para manuod ng tv.
"Oh iha lalabas muna ako at ipapasyal ko si Coco. " Bitbit ni Manang si coco at ang tali nito. Si Coco ang alaga naming chou chou.
"Ah Manang ako na lang po ang magpapasyal kay Coco. " :-)
"Wala ka bang gagawin? Hindi bat nanunuod ka ng tv? " Tanong nito
"Ok lang po Manang ayoko rin naman po ng palabas eh. " Kinuha ko si Coco at nilagay ang tali sa leeg nya.
"Mag iingat ka Shammie, umuwi rin kayo ah. " Bilin ni Manang
"Opo Manang. " :-) Tuluyan kaming lumabas ni Coco.
Hawak ko ang tali ni Coco pamunta kami ng clubhouse ngayon dahil eto lang naman ang pwedeng naming pasyalan, masyadong malayo kung magpapark kami.
"Coco goodboy ka lang ha. " Sabi ko sa kanya habang naglalakad
"Arf! Arf! Arf! " Siguro naintindihan nya yung sinabi ko kaya tumahol sya ng tatlong beses.
Umupo lang ako sa swing habang nasa gilid ko naman si Coco hawak ko parin ang tali nya baka kase makawala at tumakbo kung saan lagot ako kay Mama. xD
May nagbabasketball sa court may ilan din nagswiswimming sa pool. Ang ganda ng ambience dito, hindi gaanong maaraw at medyo malamig ang simoy ng hangin. Tumayo si Coco at humiga sa paanan ko.
"Arf! Arf! " Napapano naman kayo tong Asong to?
"Hindi nga kase ako marunong eh! " Napanukot naman ang noo ko
"Ay! Pano ka matututo kung hindi ka magtitiwala sakin? " Napalingon ako sa likod. Si Kuya Tracer kabarkada ni Kuya Cloud, kasama nya ang girlfriend nya na si Ate Tricia.
"Yam ayoko na! Tigil na tayo! " Sigaw nito kay Kuya Tracer. Tinuturuan nya kase na mag roller blades si Ate Tricia.
Napatingin sakin si Kuya Tracer. "Oh shammie nanjan ka pala, San Kuya mo? "
"Tulog pa si kuy- "
(BLAAAGG!! )
Napatigil naman kami dahil napaupo si Ate Tricia. Mukang hindi talaga sya marunong. Lumapit ako sa kanila para tulungan sya.
"Oh yam anong nangyare?! " Alalang tanong ni Kuya.
"Letche! Sabi ko kase itigil na eh! " Sabi nito habang tinatanggal ang roller blades sa paa.
"Alalayan na kita Ate. " Inalalayan ko sya paupo sa swing.
"Salamat Shammie. Epal kase to eh! " Inirapan naman nya si Kuya.
Lumapit si Kuya at halatang natatakot ito kay Ate. "Y-yam .. "
"Ah eh mauna na ako Ate ah, bye Kuya. " Tumango lang sila, napagisipan ko na ilakad lakad si Coco.
Epal naman ung magjowang yun ang ganda ng tambay namin ni Coco sa swing eh. xD
"Lakad muna tayo Coco. "
"Arf! " Feeling ko talaga naiintindihan ako ni Coco eh.
Tatlong street na ang layo mula sa clubhouse medyo mahaba na rin ang na lakad namin ni Coco.
Ang dami talagang magandang bahay dito. Akala mo nasa Ayala ako ! =D
Kaso hindi kasama yung samin kase simple lang yun bahay namin hindi kaseng laki at ganda ng iba. Yung kanila kase may garden, swimming pool, mini play ground, etc. samin garage lang ang meron ! Hahaha.
"Arf! Arf! Arf! " Biglang tumakbo si Coco kaya nabitawan ko ang tali nya.
"Coco saglit lang! " Syempre kailangan ko yung habulin kundi lagot ako. =3
Lumapit sya sa lalakeng nakayuko. Hindi ko alam kung may masakit sa kanya o ano baka naman nag iinarte lang? -___-
Inaamoy ito ni Coco habang ang buntot nya ay panay ang sayaw.
"Coco, tara na. " Nikuha ko ang tali ni Coco. Teka parang si ...
Umangat ang ulo ng lalaking nakayuko . "Hi Shammie, goodmorning" =)
"H-hi Nathaniel." Then fake smile
Ang cute nya ! O__O
Yung buhok nya medyo basa, yung pawis nya sa noo tumutulo sa gilid ng muka nya, medyo namumula yung pisngi nya. Ang sarap pisilin ! ^___^
"Ah Shammie, ok ka lang ba? " Natauhan nung napansin ko nakatayo na sya at malapit sakin.
"Ah uhmm? Oo naman noh! Hehe! " Lord nakakahiya po sobra. Ipakain nyo na ko sa lupa. -__-
"Bigla ka na lang kaseng natulala eh, tinatanong kita kung san kayo galing ng alaga mo. " Kinakausap nya pala ako? Eh bakit hindi ko narinig?
"Kase po nakafocus ka sa muka nya! " Sabi ng utak ko. -__-
Napailing naman ako. "Hindi kaya ako attractive sa muka nya! " Ok ang o.a ko na masyado.
"Huy Shammie? Bakit umiiling ka jan? " Tanong ni Nathaniel
Shammie naman wag mong ipahiya ang sarili mo sa harap nya ! >__<
"A-ah wala naman. Pasensya kana kung nilapitan ka ni Coco ah. Una na kami." Tumalikod na ko sa kanya.
"Ah teka Shammie. " Pinigilan nya ang braso ko.
Waaaaahhhh! Parang may kuryente ang kamay nya! >___<
Humarap ulit ako sa kanya. " B-bakit n-nathaniel? " Nauutal utal na ko sa kaba.
"Lakad lakad muna tayo, medyo maaga pa naman. " Sabi nito at binigyan ako ng isang nakakahimatay na ngiti.
Eehhh? Nagpapacute ba sya?! -__-
"Ah a-ano kase eh.. uuhhmm? " Wala akong maisip na alibi. Anak naman ng taho oh !
"Sige na, nag iisip kapa ng alibi eh. Diba friends na tayo? " Nabasa nya ba yung nasa isip ko?
"Ah eh .. Oh sige na nga! " :)
------------------------------------------
Comment and vote po kayo guys ^_^
GOD Bless.
-yamTricia :">
![](https://img.wattpad.com/cover/5233052-288-k799138.jpg)
BINABASA MO ANG
Open Your Heart Again
General FictionMagagawa mo bang muling buksan ang puso mo para papasukin ang iba at alagaan ito ? Kahit na may ka ugnayan sya kung bakit nagsara ito ? --- This is my first story ^_^ Hope you will support it . GOD Bless !