Shammie's POV
"Sungit, tulungan nakita."
Nagulat ako ng magsalita si Nathaniel mula sa likod. Naglakad ako ng mabilis para hindi na nya ako maabutan pero wala ring silbi. -__-
Tumayo ako at inayos ang dalahin ko. "Ah eh w-wag na kaya ko naman." ^___^
"Tara sabay na tayong umuwi." Alok nito sakin.
"Ha?! ah eh kase m-may ... " Shocks anong sasabihin kong palusot? sigurado kapag sinabi kong mag dadaanan pa ko sasama parin sya. Tinignan ko ang muka nya at halatang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "M-malayo ang bahay namin eh, n-next time nalang." Hay nako nasa naman ok na yun.
"Hindi ok lang." Tipid nyang sagot tsaka naglakad.
"Ah yung kapatid mo baka hinihintay ka?" Sabi ko at tsaka sumabay sa paglalakad sa kanya.
"Nauna na si Monique sa bahay, kanina tinext ko yung driver at katulong namin nung nasa clinic pa ko" Sabi nito habang naglalakad ng nakapamulsa. Bakas sa muka nya ang kalungkutan.
"Eh bakit hindi sa sumabay tsaka bakit iniwan mo pa yung bag mo sa room?"
"Sabi ko mauna na sila may dadaanan pa ako, mag cocommute na lang ako pauwi." -Nathaniel
"Ahh .."
Nakalabas na kami ng gate pero wala ni isa samin ang kumikibo.
Halata sa mga mata nya na nag alala sya sa kapatid nya. At halata rin sa kanya na mahal na mahal nya si Monique hindi ito ako unang beses na makita ko kung gano nya kamahal ang kapatid nya.
"Shammie .." Sabi nito kaya naman natauhan ako.
"Hhhmm .. Bakit?" Tanong ko
"Hahanapin ka ba sa inyo? Pwede ba samahan mo muna ako sa mini stop." -Nathaniel
"Ah eh hindi naman, sige samahan muna kita." Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na samahan.
Pumasok kami sa loob ng mini stop dumiretso kami sa upuan.
"Anong gusto mo Shammie? Gusto mo ba ng ice cream?" Tanong nito
"Nako wag mo na kong alalahanin, ok lang ako. Sige na bumili kana ng bibilin mo." :)
"Ah sige." Halata sa kanya na wala syang gana siguro dahil sa nangyare kanina.
Umalis sya at bumili. At dahil wala naman ganong costumer nakabalik kagad sya.
"Para sayo oh." Sabay abot ng chocolate.
"Sabi ko naman sayo wag kana mag abala eh. Bigay mo na lang kay M-Monique." Tsaka ako tumayo.
"Meron na yun, nandito sa loob ng bag ko. Sige na tanggapin mo na." Pangungulit nya.
"Sige na nga, salamat ah." :)
Lumabas na kami ng mini stop at nagpatuloy sa paglalakad pauwi.
"Ah Shammie tiga san ka nga pala?" Tanong nya
"Dyan lang ako sa pricilla village."
"Malapit ka lang pala, sabi mo malayo ang bahay nyo?" Sabay kunot ng noo.
"Ah eh alam mo pala yun? hehehe." Nilalamon ako ng kahihiyan :3
"Oo tiga dun kase kami eh, tsaka yung boyfriend ng kapatid ko."
Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug
Bakit ganun biglang bumilis ang tibok ng puso ko?
"Ah t-talaga hehe ^___^" Masyado bang halata na ang fake ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/5233052-288-k799138.jpg)
BINABASA MO ANG
Open Your Heart Again
Fiksi UmumMagagawa mo bang muling buksan ang puso mo para papasukin ang iba at alagaan ito ? Kahit na may ka ugnayan sya kung bakit nagsara ito ? --- This is my first story ^_^ Hope you will support it . GOD Bless !