Shammie's POV
"Shammie ..."
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nabato ako sa kinatatayuan ko.
Binitawan nya ang braso ko. "Pwede ba tayong mag usap ?"
Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. "Wala na tayong dapat pag usapan Mau, matagal na tayong tapos."
Bakit kung kelan masaya na ko at tanggap ko ng wala sya tsaka sya bumabalik :(
Nahihirapan ako.
"Please Sha". Pagmamakaawa nya.
I hold back my tears tsaka humarap sa kanya. "3minutes". Tumingin ako sa relo ko. "You may start".
Kailangan kong maging malakas sa pagkakataon na to. Kahit alam kong nakamove-on na ko sa kanya hindi ko pa rin kayang makipag usap sa kanya.
"Masaya ako at nakalimutan mo na ako. Malakas kana ulit tulad ng dati. May mga bagay na takot kang subukan dahil ayaw mo ng maulit ang nangyari. Nagagawa mo ng sambitin ang pangalan ko, nakakapag soundtrip kana ulit ng lovesongs higit sa lahat hindi na natutulala ng basta basta". Huminto sya sa pagsasalita at ngumiti.
"Tapos kana ba ? May 1 minute kapa". Pagtataray ko sa kanya.
"Gusto ko lang humungi ng sorry sa lahat ng ginawa ko. Hindi ko sinasadya lahat ng yon. Galit ako sa sarili ko dahil nasaktan kita, hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo. Naging masama akong boyfriend sayo. Hindi ko pinahalagahan ang relasyon natin. I'm stupid, dahil sinaktan kita. Shammie I'm so sorry for what I've done. I didn't mean to do that. I lov---"
Hindi ko na tinapos ang sinasabi nya. "Time's up Mau." Tinignan ko sya sa mata. "Alam mo naman palang masaya na ko eh, bakit ka pa nagpakita ulit ? Para ipamukha sakin na talunan ako ? Na kahit kaylan walang magmamahal sakin tulad ng pagmamahal ko ?" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Lalapitan nya pa sana ako pero umatras ako.
"Tama na please, matagal na kitang nakalimutan. Tanggap ko na lahat ng nangyari. Thankful din ako sa nangyaring un dahil dun ko nalaman na maraming nagmamahal sakin. Nandyan ang mga Magulang ko, Kapatid at ang bestfriend ko. Dun ko rin nalaman na hindi lang sayo umiikot ang mundo ko, na maraming pa ko mas kayang gawin ng wala ka. Thankyou for hurting me Mau". Ngumiti ako kahit ang totoo sobrang nasasaktan ako.
"Sha, for the last time. Pwede bang payakap ?" Tanong nya.
Hindi nya hinintay ng pumayag ako dahil niyakap nya ako bigla.
"Alam ko na kahit anong sabihin ko hindi ka maniniwala sa akin". Humihigpit ang yakap nya sakin. "Pero nasa paniwalaan mo na minahal kita". Sabay kawala sa pagkayakap.
Umatras sya ng konti tsaka ngumiti.
"Bukas I will be leaving, pupunta ako ng canada. Kung sakaling bumalik pa ako dito sana maging mag kaibigan tayo. Bye Shammie ." :) tumalikod sya at nag umpisang lumakad.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Mixed emotion eh. Parang gusto ko syang habulin na ayaw .. -__-
Tumigil sya sabay lingon sakin. " Nga pala Shammie, hindi totoong nag migrate kami sa america ..."
"???" Napakunot naman ako ng noo.
"Hindi totoong umalis ako ng bansa. Lumipat ako ng school at tumira kila tita. Alam kong mabilis mo kong makakalimutan pag hindi mo ko nakikita. Sa tulong nito". Sabay pakita ng eyeglass. "Konti lang ang nakakilala sakin, sabi nila parang kambal ko daw si Mauverick. Ang hindi nila alam ako un, ang hirap palang magdisguise". Ngumiti sya sabay suot ng eyeglass nya. "Even you, siguro akala mo namamalikmata ka lang kanina sa mall. Masaya ako at nakapag move-on kana sakin :) Sana in future naging friends tayo. Bye". Nagwave sya ng kamay at tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
Open Your Heart Again
Ficción GeneralMagagawa mo bang muling buksan ang puso mo para papasukin ang iba at alagaan ito ? Kahit na may ka ugnayan sya kung bakit nagsara ito ? --- This is my first story ^_^ Hope you will support it . GOD Bless !