Shammie's POV
Nasan ako ngayon? Eto kasama ko si Coco at si Nathaniel. -__-
Tulad ng napag usapan, naglalakad lakad kami. Kanina pa sya daldal ng daldal, ngiti dito ngiti don ang mga sagot ko sa kanya. Sa totoo ko lang hindi ko sya maintindihan kase hindi ako komportable sa sitwasyon ko. Kapatid kaya sya mg pinaka hate kong babae noh.
"Huy Shammie, nakikinig ka ba? " Tanong nito sakin.
"O-oo nakikinig ako. "
"San na nga ba tayo? Hhmm ? " Pero hindi ko sya pinansin.
Ayun daldal nanaman sya ng daldal daig nya pa ko. -__-
"Shammie .. " Tawag nito sakin.
"Hhmmm? " Sabay tingin sa kanya.
"Kung talagang nakikinig ka, ano yung mga sinabi ko? "
Napakunot ako ng noo. "Ahh hhhhmmm? " Patay na :-3
"Gotcha! Hindi ka nga nakikinig. " Medyo lumungkot naman ang muka nya.
"Hindi naman sa ganun Nathaniel. "
"Kanina ka pa ganyan nung nagkita tayo. May problema ka ba? "
"Ha? Wala ah .. " Ikaw ang problema ko Nathaniel Buenilla -__-
"May sakit ka ba? "
"Wala ah. "
"Tara may papakita ako sayo. " Hindi na ko nakatanggi pa dahil hinawakan nya na yung wrist ko.
"Arf! Arf! Arf! " Ay shemay si Coco nga pala.
"Ah Nathaniel yung kamay ko, bibitbitin ko nalang si Coco. "
"S-sorry .. "
Kinuha ko si Coco at binuhat na parang baby.
Napa-stop kami sa bakanteng lote na medyo matataas ang talahib.
Anong gagawin namin dito? :-X
"Masaya to. :-) " Sabi nya sakin.
"T-teka l-lang, anong g-gawin natin d-dito? " Medyo lumakas ang tibok ng puso ko.
"Mag eenjoy ka, promise. " At ngumiti sya ng nakakaloko.
May balak ba syang ....
Waaaaaahhhh! Hindi pwede to! Wala akong balak na isuko ang bataan, lalong lalo na sa kanya! >__<
Kinuha nya ulit ang wrist ko at hinawi ang mga matataas na halaman.
"Arf! " Mukang natatakot nadin si Coco at sumiksik sa kili kili ko.
Jusko po, parang hindi maganda tong nangyayare ah. Mukang may balak syang hindi maganda.
ERASE! ERASE! ERASE!
Ano ka ba naman Shammie, sino naman ang sira ulong lalake ang gagawa ng ganung bagay sa umaga?!
"Relax ka lang, mag eenjoy ka dito. " Sabay smirk.
Nooooooo! >__<
Sinasabi ko na nga ba eh! Dapat pala hindi nalang ako pumayag na maglakad lakad ng kasama sya! Dapat umuwi na lang ako!
"Ah N-nathaniel, u-uwi na kami ni C-coco. " Medyo nagcacrack na yung boses ko.
"Saglit lang, magugustuhan mo to promise. " Tuloy parin sya sa paglakad.
Hindi ko na kayang tiisin pa to! Kailangan ko ng umalis dito kung hindi magtatagumpay sya gagawin nyang masama!
Hinila ko ang kamay ko. "M-mauna na kami nathaniel. " Sabay talikod
BINABASA MO ANG
Open Your Heart Again
General FictionMagagawa mo bang muling buksan ang puso mo para papasukin ang iba at alagaan ito ? Kahit na may ka ugnayan sya kung bakit nagsara ito ? --- This is my first story ^_^ Hope you will support it . GOD Bless !