Chapter 2

62 1 0
                                    


FRIDAY, MAY 19

Dear Diary,

             Grabe! Sobrang saya ng closing party namin! Nag-swimming kami sa beach and ang dami naming ginawa kanina. Nag-volleyball kami and dahil takot akong matamaan ng bola, ayun iwas ako ng iwas kaya natalo kami. Parang sa pag-ibig, kung ayaw mong masaktan, umiwas ka nalang. Hahahahahah! Humuhugot ako, akala mo talaga may experience pero pag talaga nahanap ko na si Mr. Right (Kim chui lang ang peg?), sayo ko unang una sasabihin.

Tapos kanina, nagkwento rin si Brook about sa boyfriend nya, na nag-away na naman sila. Hindi na naman bago sa amin yon kase lagi naman silang away-bati at syempre sumingit rin si Mae at alam mo ba ang sagot nya, "Magbe-break din kayo". Ang supportive na kaibigan no? Ganun talaga yung babaeng yon, pinaglihi kase sa ampalaya juice kaya bitter.

Magpapahuli ba naman si Devon? Alam mo bang balak nya pang dalhin yung pusa nya, kanina nagmakaawa pa sa teacher namin na isama yung pusa nya kundi lang tinakot ng teacher namin na lulunurin nya yung pusa, hindi iiwan at bago kami umalis kiniss nya pa sabay sabing "Bye kitty! Sayang naman yung binili kong two piece sayo pero wag kang mag-aala, pasasalubungan kita ng jelly fish". Hahahahahah! Parang baliw lang.

Kanina rin, may nakita akong isang lalaki na ubod ng gwapo parang artista para sya yung mga nai-imagine ko kapag nagbabasa ako ng wattpad, ang gwapo nya talaga! Naiisip ko nga na sana kapag nagka-boyfriend na ako kasing gwapo nya! Sana sa pasukan makita ko na sya!

Bye for now,

        Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon