Chapter 17

20 1 0
                                    

SUNDAY, NOVEMBER 15

Dear Rafael Bautista,


          Hindi muna 'Dear Diary' ngayon kase itong entry ko ay dedicated to Rafael. Birthday nya kase ngayon at gusto ko syang batiin.


          Hi Rafael! Birthday mo ngayon at hindi kita mabati sa Facebook kase hindi naman tayo friends, nahihiya ako i-add ka kase famous ka e. Hahahaha! Alam mo simula nung nakilala kita, hindi ko na nakalimutan yung birthday mo.


          Ngayong birthday mo, gusto kong sabihin sayo na 'thank you dahil ikaw yung nagparanas sakin ng sobrang sayang experience'. Alam mo ba nung una palang na nakausap kita, hindi ko naisip na magugustuhan kita kase wala sayo yung ideal type ko kaso masyadong malakas yung hangin mo, na-fall tuloy ako sayo. Akala ko rin na simpleng crush lang ang nararamdaman ko para sayo, mahal na pala kita. Gusto ko mang pigilan dahil alam kong kahit kailan hindi ka magiging sa akin kase may Girlfriend kana.


           Simula nung umalis ka dito sa school, naging sobrang lungkot na nang mga araw ko. Ganon talaga siguro, 'Wag kang masasanay sa mga bagay na hindi pang-habang buhay', nasanay kase akong nandiyan ka, hindi ko alam na aalis ka rin pala. Kung alam ko lang na aalis kana, sana nasabi ko na sayo lahat ng nararamdaman ko para sayo. Sana nasabi ko sayo na Mahal kita.


          Hindi ko na alam yung mararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung maghihintay pa ako sayo, at hindi ko alam kung patuloy pa kitang mamahalin.


          Happy 21st Birthday. I will always wish you the best! Sana bumalik kana, sana magkita ulit tayo.


Bye for now,

        

           Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon