Chapter 8

25 1 0
                                    

THURSDAY, JULY 11

Dear Diary,

Isang linggo na ang nakalipas nang makilala ko si Rafael, sa totoo lang mabait siya at hindi sya yung typhical na lalaki kase hindi sya mayabang. Nang malaman ko na yung pangalan nya, pinakilala ko sya kina Mae at sobra kaming nagulat nila Brook at Devon sa sinabi sa akin ni Mae, 'Ayos sya. Boto ako para sa kanya!' akalain mo yon, for the first time in forever ngayon lang sya hindi naging nega sa lalaki. Pagkatapos nyang sabihin yon, naguguluhan si Rafael sa sinabi nya kung ano daw yung ibig nyang sabihin, sinabi ko nalang na hindi sya nakainom ng gamot. Hahahah!

At nagtataka rin sila Devon kung bakit ako nakikipag-kaibigan na sa lalaki dahil alam rin nila yung nangyari sa akin nung grade school kami. Ganito kase yon....

Grade school at marami kaming magkakaibigan sa isang klase, babae man o lalaki. Na-late ako sa pagpasok sa klase nung araw na yon (Bata pa lang, late na ako! Hahah!) tapos habang recess time namin, nagtanong yung isa sa kaibigan kong babae yung lalake naming kaibigan na kung sino daw yung hindi nya tinuturing na kaibigan tapos sinagot nya ay...

"Ang hindi ko tinuturing na kaibigan ay si Abigail"

Parang nadurog yung puso ko dahil tinuring ko syang isa sa mga pinaka malapit kong kaibigang lalaki pero yun pala balewala lang ako sa kanya. Simula nang mangyare yon, ni isang lalaki hindi ko tinanggap bilang kaibigan, buti nalang nakilala ko sila Mae, Devon at Brook at tinulungan nila akong makalimutan yung nangyari.

Kaya nung araw na napansin ko si Rafael, inaasar ko pa si Carlo na baka boyfriend nya yun kasi diba beki si Carlo? Nung una nagdadalawang isip pa akong kausapin sya dahil hindi na ako sanay na makipagkaibigan sa mga lalaki pero sa totoo lang ang sarap nyang maging kaibigan. Sya nalang uli yung kauna-unahang kaibigan kong lalaki. Habang naghihintay kami ng masasakyan, may bumangga sa likod ko at si Rafael pala yon. Babatiin ko na sana sya kaso biglang nakalimutan ko yung name nya kaya natawag ko sa kanya ay,

'Uy, Boyfriend!'

Bye for now,

Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon