Chapter 3

37 1 0
                                    

WEDNESDAY, MAY 28

Dear Diary,

            Nagpa-enrol na kami kanina nila Mae, Brook and Devon. Kinuha naming course ay Business Management major in Marketing. Hindi naman ganun kahaba yung pila at alam mo ba Ang tahimik kanina dun sa school, wala masyado tao. Siguro pag may pasok na dun na magiging maingay (malamang may estudyante, Slow!).

Ang gwapo nung mga nag-assist sa akin, oo mga talaga kasi dalawa sila. Una, yung gwapong matangkad na pang-basketball player ang height tapos yung isa naman yung kamukha ni Aaron Villaflor tapos pinag-aagawan pa nila yung blue form ko, nagtatalo sila kung sino yung maghahatid sa akin sa langit, (de joke lang!) sa accounting office para magbayad at ang nanalo ay si Papa B means basketball!

Pagkatapos naming magpa-enrol, pumunta kami ng mall at may nagpakilala sa aking isang gwapong nilalang, syempre pa-hard to get ako kaya sinungitan ko kunware (dalagang pilipina e). Pangalan nya daw "Wendel Cruz", binigay ko na rin yung pangalan ko, choosy pa ba ako? Tapos nkakahiya pa dahil nung paalis na sana kami, natalisod pa ako, nkakahiya tuloy! Baka ma-turn off sya sa akin. Kilig na kilig sa akin yung dalwa except for Mae. Sabi pa nya sa akin, " Wag kang magpapadala sa salita dahil kahit ang pinaka magandang bulaklak ay nalalanta rin". Ewan ko ba sa babaeng yon kung bakit napaka-anti love nya, siguro dahil sa nangyari sa kanya. Sa susunod ko nalang ikikwento...

Ikaw nga ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?

Napakanta na tuloy ako

Bye for now,

          Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon