Chapter 16

22 1 0
                                    

WEDNESDAY, NOVEMBER 12

Dear Diary,

One week na ang lumipas pero hindi ko pa rin sya nakikita. Nawawalan na ako ng pag-asa, lahat na ng kadramahan na post ko na sa facebook pero hindi ko pa rin sya nakikita. Hindi sya mawala sa isip ko kaya kahit sino pang lalaki yung nakikita ko, hindi pa rin sya napapalitan sa puso ko.

Pero kanina sa room, wala na akong ganang makinig sa teacher namin, kahit anong pakikinig ang gawin ko hindi pumapasok sa utak ko yung sinasabi nya kasi lumilipad yung isip ko. Paglabas ng teacher namin, may nakita akong pumasok na bago naming kaklase, sobrang gwapo as in! Parang artista yung kagwapuhan nya kaso napag-alaman ko na may girlfriend na sya. Ako nalang ba dito ang walang lovelife?

Buong oras ng klase namin, nakatingin lang ako kay Aries (yung new classmate namin). Hindi sya nakakasawang tignan, ang puti-puti nya, ang kinis ng mukha nya, ang sarap sa tenga ng mga tawa nya, nakakawala ng stress yung mga ngiti nya at yung boses nya, lalaking lalaki, yung tipong mapapatulala ka nalang sa kanya. Hay! Ang gwapo talaga! Napansin nalang ako ni Mae na, nakatingin ako kay Aries at narinig ko malang kanina na tinatawag nalang pala ako ng teacher namin. May pinapasagot sa akin na problem sa board, buti nalang nasagutan ko. Ako pa? Talino ko e! (Ang kapal. Hahahahah)

Pagkatapos nang klase nagka-ayaan na pumunta sa mall, gusto daw ni Mae na sumayaw sa 'Just Dance' kaya pinagbigyan na namin. Sinayaw namin yung 'Shake It', kanta ng Sistar. Sobrang favorite ko kasi yun e. Pagkatapos, kumain kami sa foodcourt. Nung nagpaalam ako na pupunta lang ako sa banyo, may nakita akong couple na sobrang sweet na nandoon sa isang stall na puro bulaklak. Parang may pamilyar yung tindig nung lalaki, parang nakita ko na sya. Hindi ko makita yung lalaki kase nakatalikod sila sa gawi ko. Para syang si Rafael.

Naiisip ko na naman sya! Kahit naga-gwapuhan ako kay Aries, hindi pa rin mapalitan si Rafael. Ganon nalang ba ang tama ko sa kanya? Kahit gusto ko na syang kalimutan, hindi ko magawa. Sana may gamot para mawala na sya sa isip at puso ko.

Bye for now,

Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon