Chapter 5

31 1 0
                                    

TUESDAY, JUNE 17

Dear Diary,

            Sad to say pero late na naman ako kanina! Forever late nalang ba ako? Pero alam mo may unexpected na nangyari sa akin kanina! Si Mister Right! Nakita ko na naman sya. Ganito kase yun, nung papasok na sana ako kanina kaso naka-lock yung pinto, inikot ko nang inikot yung door knob pero naka-lock talaga. Kaya pumunta nalang ako sa upuan banda sa labas ng room namin para maghintay sa next class. Lagi nalang akong naghihintay, nakakasawa na. Anu ba yan! Napapahugot na naman ako. Hahahah!

Nung nakaupo na ako, nag-cellphone muna ako para pampaalis ng bore. Habang nagse-cellphone ako, biglang may lumbas ng room tapos nagbanyo. Paglabas ng banyo, nilingon ko sya at na-starstruck ako dahil Ang lumabas lamang banyo ay si Wendel Cruz yung dun sa mall and classmate ko pala sya. Tinanong nya ako kung bakit nasa labas ako, sinabi ko nalang na naka-lock kase yung pinto. Tapos nung paalis na sya, bigla nyang sinabi sa akin na, "Halika sabay kana sa akin". Omg! Niyaya nya ba akong makipag-date? Joke lang, Assumera! Sinabi ko nalang sa kanya na sa next class nalang ako papasok.

Papasok ko sa next class, agad akong sinalubong nila Brook. Kwinento ko rin yung moment namin kanina ni Mister Right, tanging sagot lang ni Mae ay "Wag kang maniniwala sa kanya kahit anong magandang pinapakita nya sayo dahil kahit ang isdang nilagyan ng asin, darating at darating din ang oras na mabubulok ito". Ang lalim ng hugot ni ateng. "Ang wafu nya!" kinilig pa tong si Brook. Tapos sabay-sabay naming tinignan si Devon at sagot nya naman ay "Meow!" Hahahahahahah!

Bye for now,

          Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon