Chapter 9

27 1 0
                                    

MONDAY, JULY 22

Dear Diary,

           'Wag ka nang magselos! Mas mahalaga ka parin para sa akin'

Patuloy na pumapasok sa isip ko ang mga linyang yon. Pagkatapos ng nangyari, hindi ko na alam kung bakit iba ang nararamdaman ko pag kasama ko sya. Yung pakiramdam na sabik na sabik kang pumasok sa umaga. Hindi na nga ako nale-late at nagulat rin sila Mae sa pagbabago ko yon.

Nakakainis kase si Rafael e! Sya ang may kasalanan kung bakit ako nagkaka-ganito. Habang pababa kami ng hagdan, nasabi ni Carlo na may gusto si Samantha Santos kay Rafael. Si Samantha ang isa sa mga babaeng ayoko kase bawat lalaking gwapo sa room namin ay hinaharot nya! Kaya nung nalaman ko na gusto nya si Rafael parang may kumurot sa puso. Bakit parang masakit?

Pagkasabi ni Carlo, tumingin agad ako kay Rafael tapos kunwari'y tinutukso ko sya kay Samantha pero may parte ng utak ko na sinasabing, 'Wag mong pansinin si Samantha! Ako lang!'. Nabigla nalang ako sa ginawa ni Rafael. Inakbayan nya ako sabay sabing, 'Wag ka nang magselos! Mas mahalaga ka parin para sa akin' biglang tumibok ng mabilis yung puso ko parang may mga nagka-karerang kabayo sa loob at dinig na dinig ko ang lakas ng bawat tibok. Ano ba itong nararamdaman ko?

Pagkatapos nyang sinabi ang mga salitang nagpatibok ng puso ko, iniwasan ko na sya hindi dahil ayoko sa kanya kundi naguguluhan ako. Dahil sa pagiwas ko, bumalik na yung pagiging late ko lagi. At sa tuwing papasok ako sa room, lagu kong napapansin si Rafael na nakaupo malapit sa pintuan tapos pag nakaupo na ako, uupo sya sa upuang malapit sa akin. At parati nya na rin akong tinatanong kung bakit ko sya hindi kinakausap at lagi ko nalang sagot na busy lang ako.

Bawat araw na lumilipas parang lagi ko syang hinahanap, lagi ko syang gustong kausapin at tuwing may kausap sya, parang gusto ko syang hilahin palayo sa kanila. At nung nag-recollection, kinakabahan ako na baka hindi sya dumating dahil kanina pa nag-start pero wala pa sya, ilang beses akong nagdasal na sana dumating sya pero buti nalang nakaabot sya. Dahil hindi ko sya kinakausap, hindi ko sya pinansin hanggang matapos yung recollection.

Pagbaba ko, naabutan ko sya na nakaupo at pagdaan ko bigla syang nagsalita ng, 'Makonsensya ka naman! Makonsensya ka naman please!' napatingin ako sa kanya kaya nilapitan ko sya para kausapin dahil nagi-guilty ako sa pagiwas ko sa kanya. Sobrang lapad ng ngiting pinakita nya sa akin nang kinausap ko na sya and I just felt my heart beats fast and all because of him...

Hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko! Nagkakagusto na ba ako sa kanya?

Bye for now,

          Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon