Chapter 7

27 1 0
                                    

TUESDAY, JULY 02

Dear Diary,

           Dahil sa nangyari parang wala akong ganang pumasok ngayon kasi nahihiya akong makita si Wendel pero naisip ko na kailangan komg malampasan to! Sabay-sabay kaming nila Brook, Mae and Devon.

Pero may nakakatawa na namang nangyari kanina, nung sinundo namin si Devon, nakita namin yung tatlong pusa nya na nakatali sa labas ng pinto nila, tinanong namin kung bakit nakatali yung mga pusa nya sabi nya, "Parusa sa kanila yan, nagpapatuloy kasi sila ng mga manliligaw nila dito!"

Akala namin yun na yung pinaka nakakatawang masasabi nya ngayon, meron pa pala, "Okay lang naman sa akin yon kaso sinagot sagot nila ako ng hindi maganda!" Ano daw? Paano kaya sasagot yon? Pagpasok namin sa room, agad kong nakita si Wendel na masayang nakikipag-usap kay Jane. Close na agad sila? Imbis na umupo ako sa tabi nya dahil dun ako laging nakaupo, humanap kami ng mauupuan at sakto na may bakante sa likuran. Nang papunta na kami doon, nakita ko na napatingin sa akin si Wendel pero deadma lang!

Umupo kami sa likuran kung saan may bakla na parang mag-isa lang sya. Dun ako ako umupo sa tabi nya tapos tinanong ko kung anong name nya and sya pala si 'Carlo Navarro'. Habang nakakausap ko sya, nagiging kumportable ako sa kanya.

As our conversation goes deep, my attention caught by someone who named...

'Rafael Bautista'

Bye for now,

          Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon