Chapter 12

24 1 0
                                    

FRIDAY, SEPTEMBER 26

Dear Diary,

           Hindi ko na maintindihan yung sarili ko! Hindi ko na rin maiintindihan si Rafael dahil sa mga pinapakita nya sa akin. Haay! Ang gulo! Iniisip ko nga minsan kung may gusto ba sya sa akin kase ang sweet nya lagi o baka naman assuming lang ako dahil baka ganun lang talaga sya sa bawat babaeng kaibigan nya. Ano sa tingin mo diary? Anu ba yan! Nababaliw na ata ako! Sa kanya? Hahahahahah! May ise-share ako ngayon sayo kase sobrang kinilig lang ako sa kanya as in!

Habang nasa room kami, nag-aya si Mae na bumaba para bumili ng pagkain kaya sinamahan ko na rin sya bago kami bumaba, nilagay ko yung bag ko sa harap ng upuan ko para alam nila na may nakaupo na kase baka mamaya kunin yung upuan ko. Pagkatapos namin bumili, bumalik na kami sa room kase baka nandoon na yung professor namin pero pagbalik namin, nakita ko na may nakaupo na sa upuan ko, nahihiya naman akong paalisin sya kaya naghanap nalang ako ng mauupuan ko at nagulat nalang ako nang may magsabi ng 'Abigail, eto upuan oh?' pagtingin ko si Rafael pala. No choice ako kase dumating na yung teacher namin kaya umupo na ako sa tabi nya. Habang nag-aatendance, tinapik ko si Devon na dito nalang sya sa tabi ko dahil wala akong kausap pero sabi naman ni Rafael, 'Ako? Ayaw mo akong kausap? Tara! Kwentuhan tayo!' Hahahahahahah! Nakakatawa sya nun e! Lumipat si Devon sa gitna namin pero nasa isip ko na, 'Sayang! Katabi ko na sya e!' Hahahah! Joke lang! (Konsensya: Joke are half meant) Ano ba yan! Nababaliw na nga talaga ako!

Habang nakikinig ako, inaasar asar ako ni Rafael tungkol pa rin dun sa akala nya na nag-break kami ng Imaginary boyfriend ko pero di nya alam na joke joke lang namin yon! Hindi ko nalang sya pinansin kase baka mapagalitan na naman ako kase last week napagalitan ako dahil ang ingay ko daw kaya pinakanta ako ng Let it go at dahil hindi naman ako nahihiya, nilagyan ko pa ng actions yung sa kamay. Sinusulat ko yung mga nasa black board pero maya-maya narinig ko nalang na tumatawa si Devon kaya napalingon ako sa kanya at tinanong ko kung bakit sya tumatawa tapos sabi nya 'Di mo ba narinig yung sinabi sayo ni Rafael?' tatanong ko ba sa kanya kung hindi! Si Devon talaga! 'Sabi daw nya, hayaan mo nalang daw yung ex mo, sya nalang daw. At meron pa! Di ka daw magsisisi pag minahal mo sya..... Moew'. Hahahahahahahah! Ang ganda na e! May meow pa sa dulo. Pampawala talaga ng stress si Devon kase nung minsan, pumunta kami sa quantum at may bagong tayo na laro doon na tom and jerry kaso nung papasok na kami sa loob napansin namin na wala na sa tabi namin si Devon, nahanap nalangbnamin sya sa may standee ni Tom at akmang bubuhatin nya na yung standee kaya nilapitan namin sya kung bakit nya kukuhanin sabi nya nalang 'Iuuwi ko sya! Di ba meow sasama ka sa akin?' Hala ka! Nabubuang na sya! Inilayo namin sya doon pero nagpupumilit pa rin sya kaya ni-suggest nalang namin na mag-selfie nalang silang dalawa at buti nalang pumayag sya. Hahahahahahah!

Pagkatapos sabihin ni Devon yon, naramdaman ko nalang na uminit yung pisngi ko sa sinabi nya. Nahiya tuloy akong tumingin kay Rafael.

Kaya ko na bang sumugal ulit?

Bye for now,

          Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon