Chapter 11

18 1 0
                                    

MONDAY, AUGUST 25

Dear Diary,

          Napakaraming laro sa mundo pero isang laro ang hinding hindi mo dapat paglaruan at yon ang 'pag-ibig'. Dahil baka sa sobrang paglalaro mo, hindi mo na napapansin na ikaw na pala ang pinaglalaruan nito.

Maraming araw ang lumipas na lagi kong kasama si Rafael, minsan nga nagtatampo na sila Mae dahil hindi ko sila sinasama sa mga lakad namin. Kapag lagi kong kasama si Rafael, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya, yung pakiramdam na gusto kong maging sa akin sya. Nung isang araw, umiyak ako dahil nabalitaan ko na namatay yung aso ko na nasa pampanga at nung oras na sinabi sa akin yon ay nasa room ako. Nabigla nalang sila Devon dahil umiiyak ako, buti nalang wala pa si Rafael dahil mahihiya akong makita nya akong umiiyak pero narinig kong may pumasok sa pintuan kaya napalingon ako at laking gulat ko na si Rafael yon.

Noong nakita nya ako, biglang nag-alala ang nakita ko sa mukha nya kaya agad akong yumuko para magtago sa kanya. Nang makaupo sya, tinanong nya ako kaagad kung ano ang nangyari sa akin pero sinasabi ko nalang na masakit lang ulo ko pero kita sa mukha nya na hindi sya kumbinsido. Sunod na tinanong nya sila Brook pero sinabi nila na nag-break daw kami ng imaginary boyfriend ko. Pagdating ng teacher namin, tinuloy namin ang activity namin na debate kahapon at dahil absent si Rafael kahapon, nilagay sya sa group four at ako naman ay group two, naging topic namin ay 'Do everyone still deserve a second chance?' napunta sa amin ay No at kina Rafael ay Yes. Nag-umpisa na ang debate at habang hindi pa ako yung sasagot, yumuko muna ako dahil sumakit yung ulo ko tapos narinig ko nalang na tinatawag ako ni Rafael tapos paglingon ko tinatanong nya pa rin kung bakit ako umiiyak pero pareho pa rin ang sagot ko. Nang ako na ang sasagot kung bakit No, sagot ko nalang ay..

Sabi nyo nga, 'Everyone deserves a second chance' pero paano kayo makakasiguro na hindi na nila gagawin ulit yung bagay na kinadakit ng loob nyo?

Narinig ko nalang na nagpalakpakan yung mga kaklase ko. Pagupo ko, patuloy pa rin akong kinukulit ni Rafael pero di ko na sya pinansin. Maya-maya tinatawag nya pa rin ako, tapos nilingon ko sya sabi ko Bakit ba?

Napatulala nalang ako sa sagot nya sa akin.

Hayaan mo na sya, ako nalang!

Bye for now,

         Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon