Chapter 6

39 1 0
                                    

MONDAY, JUNE 24

Dear Diary,


            Mabilis na lumipas ang mga araw pero hindi  ko pa rin nakaka-close si Mister Right. Magkikita ko na namang tumitingin sya sa akin pero wala syang ginagawang move. Kanina bumuo ng kanya kanyang group at group five kami, nakasama ko sa group si Mae at Mister Right, magkatabi pa kami. Si Brook at Devon naman ay magkasama sa Group two. Ako yung ginawang leader ng mga ka-group ko. And kailangan naming maglagay sa isang papel ng mga salitang hindi na gumagamit sa pang-araw-araw.


Ni-announce na kung sino yung top three groups na nanalo; third ay sila Devon, second sila Trina. Si Trina ang isa sa mga kinaiinisan ko sa mga kaklase ko kasi masyado syang pabida, Hindi sa nanghuhusga ako pero yun talaga yung nakikita ko. At kami ang nanalo!


We are the champions!
We are the champions!
No time for losers
'Cause we are the champions of the world.


Hahahahahah! Napakanta pa ako!

Kanina rin, akala ko 'that is the right time', yun pala assuming lang ako. Paano kasi, kaninang paglabas namin sa room, bigla naming nasalubong si Wendel tapos sabi nya sa akin na may sasabihin sya sa akin. Iiwan ko muna sila Devon, nang makalayo na kami, tinanong ko agad kung ano yung sasabihin nya. Sabi nya, "Pwede bang makuha yung number-", pagkasabi nya nun napangiti agad ako, sobrang gusto ko nang tumili sa kilig pero nawala yung ngiti ko nang ituloy nya yung sinasabi nya, " -ni Jane? Kung meron kang number nya". Wala na akong nagawa kung hindi ibigay sa kanya, kitang kita ko yung malapad na ngiti nya na hinihiling ko na yung mga ngiti ay para sa akin nalang.


Parang gusto ko syang murahin sa sinabi nya pero tumahimik nalang ako para ipakita sa kanya na wala lang yon, na hindi ako nasaktan.


Buti nalang hindi pa ako ganun na nahulog sa kanya, sana bukas makahanap ako ng taong ibang iba sa kanya.


Habang nagba-browse ako sa twitter bigla akong napa-stop sa isang qoute na sobra akong natamaan,


'Too much expectations can lead you to dissapionments'..


Bye for now,

   

            Abigail Lin

Dear Crush, Can you be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon