4th Chapter

2.6K 25 2
                                    

FLASHBACK

The first two years of Laura's relationship with Henry had been smooth.

Hindi maitatangging may mga pagtatalo, sagutan, selosan, at hindi pagkakaintindihan sila ngunit mabilis naman nilang nareresolusyunan iyon sa pamamagitan ng paguusap ng masinsinan.

People around them support their 'love team' as they call.

Sikat na sikat sila sa university nila dahil na nga maraming may gusto kay Henry at si Laura naman ay sikat din dahil totoo namang maganda siya. She's kind, as well. Kaya almost everyone is rooting for their love team.

They experienced problems but they overcame those. Hindi natatapos ang isang araw na magkagalit sila. Henry just won't allow her to sleep with a heavy heart.

That's why she loved him even more. Hindi nito hinahayaan na nagtatagal ang pagtatalo nila. Minsan kahit na siya na ang may kasalanan ay magpapakumbaba pa rin ito.

Pero may mga pangyayaring hindi niya inaasahang dadating.

"Henry, bakit bigla kang nagka-ganyan?" halos paiyak na tanong niya rito.

Naisipan niya nang itanong dito ang napapansin niyang pagbabago rito na nagsimula noong nakaraang buwan pa

"What? Anong nagkakaganito?" kunot-noong tanong nito pabalik sa kaniya.

Nagulat siya nang hindi nito napansin na may mali at may problema.

Hindi nito napansin na malapit nang bumagsak ang mga luha niya.

He's not like that.

Kilalang kilala siya nito.

Lahat ng emosyon niya ay alam nito at nababasa nito ang mga mata niya... kung ano ang mga ipinahihiwatig nya.

Pero ngayon, bakit...

Gusto niyang isipin na baka pagod lang ulit ito. Ngunit alam niyang may mali na talaga.

Sa mga nakaraang linggo, iniintindi niya namang pagod ito dahil nagaaral na ito sa dental school.

Pero iba na talaga ang pakiramdam niya eh.

Or is she just being paranoid?

Umiling nalang siya dahil nakatingin pa rin ito sa kaniya habang nakakunot ang noo.

Mahinang napasinghap siya nang irapan siya nito.

What's with him?

Bakit sobrang kakaiba na ang mga kinikilos nito?

Dati, hindi matatahimik ito hangga't hindi nito nalalaman ang totoo at hindi siya nito naco-comfort.

Pagod lang talaga siguro ito. Kumbinsi niya sa sarili.

But he's not like that kahit na pagod siya. Naiinis na siya pati sa sarili dahil kanina niya pa kinukumbinsi pagkatapos ay kokontrahin ang sarili.

Naisip niya, tuwing pagod ito, he's asking for a kiss and long tight hug from her para daw mawala ang pagod nito. He's not like what he is acting right now. What if...

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon