Ch.24 AWW. SO SWEET. <3

1.6K 18 2
                                    

CHAPTER 24

Napakatagal naman nilang magusap. Mga 30 minutes na siguro. OO! Matagal na yun para sakin! Nakakabwiset kasi! I can see sparks from her eyes. Hello? I'm here, asawa ako ni Tony 'te! >___

Hindi ko naman din kasi maintindihan yung pinaguusapan nila dahil lumilipad yung isip ko. Kahit anong pilit ko na mag focus wala parin. Kung ano ano pumapasok sa isip ko. ( ̄ε ̄)

Nakakainis naman, oh! Hindi ko na talaga ma-take. Gusto ko nang umalis ditooooo! Ang awkward na para sakin.

"*Ehem* Will you please excuse me?" sabi ko.

Sabay silang napatingin sakin na parang nagtataka kaya naman nagsalita ulit ako.

"Sabi ko, excuse me, aakyat lang ako." sabi ko sabay tayo.

"Why---" pinutol ko ang tanong ni Anthony. "Ask that later." sabi ko sabay lakad papuntang hagdan.

Bastos ba? Wala eh. Ang awkward talaga eh. Sila lang nagkakaintindihan. Nagtatampo na ako kay Tony. (︶︿︶)

Pagkapasok ko ng kwarto, humiga nalang ako agad.

Uggggh. >____

Try to calm yourself Jas.

Ayoko maging possessive. Siguro dapat maging confident ako. Bahala si Tony kung babalikan niya si Clarice. All this time gusto ko lang naman siya. Hindi ko pa siya mahal... siguro.

*Tok.Tok.Tok.*

Kumuha agad ako ng unan at niyakap saka ako pumikit.

Matapos ang ilang segundo, naramdaman ko na lumundo yung kama, sign ma may umupo kaya mas pumikit akk. Nagtatampo ako sa kaniya! Parang wala naman kasi ako kanina kung makapagkuwentuhan sila. >3

Mas lalo pa akong nagtampo sa kaniya! Ang tagal niya umakyat. ( ̄3 ̄)

Baka naman nagkwentuhan pa sila.

"Jassy." paglalambing niya pero hindi pa din ako dumidilat. Ayoko dumilat! Ang daya niya. Niyugyog niya ng konti yung balikat ko pero di pa din ko nagpapatinag.

May naramdaman nalang akong mga braso na nakapatong sa tiyan ko.

"Jassyyyyy. I know you're awake." sabi niya tapos kiniss niya ako sa pisngi.

Che! Bakit ako madadaan sa ganyan ganyan niya?

"Sorry, Jas." nararamdaman ko ang sinseridad sa boses niya pero syempre magpapakipot at magpapaamo muna ako ng konti. HAHAHA!

"Hey Jassy." sabi niya tapos hinalikan niya ako sa side ng lips ko.

*Kruuu*

(⊙_⊙)

o(≧口≦)o

Waaa! Panira naman ng moment itong tiyan na to! Gutom na kasi ako kanina pa eh. :(

Pagdilat ko, nakita ko si Tony na nakangiti. Halatang pinipigilan niya yung tawa niya. NAKAKAINIS!

"Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?!"

singhal ko sa kaniya.

"Nothing. Come on. I cooked." sabi niya tapos kiniss niya ako sa noo.

Nagluto siya?! \(◎o◎)/

Ayun ba ang dahilan kung bakit natagalan siya bago umakyat? Inalalayan niya ako tumayo tapos bumaba na kami.

Ang bangoooo! (*゚▽゚*)

Pagkatingin ko sa dining table, may chicken! *u* My favorite!!!

Tumakbo agad ako papuntang sink tapos naghugas agad ako ng kamay tapos umupo na ako.

Aabutin ko na sana yung kanin pero naunahan ako ni Tony. ~3~

"Don't pout. It makes me like to do something to you." sabi niya habang nilalagyan ng kanin yung plato ko.

Akala ko kasi uunahan niya ako sa kanin eh. Ang liit lang na bagay kinalulungkutan ko na. Hindi naman ako ganito dati.

Tapos niya lagyan ng kanin yung plato ko, kumuha siya ng chicken tapos nilagay sa plato niya. Sweet na nung una eh! Bakit di niya pa ako pinaglagyan ng chicken. :(

Natatakam ako dun sa chicken na hinihimay niya. Ang sarap kasi ng part na yun eh. Ang daming balat. Kinuha ko yung tinidor ko tapos tutusok na sana ako ng balat na nahimay niya nang biglang may chicken na tumapat sa bibig ko kaya agad ko namang kinain yun. HAHA!

Ang sweet ni Tony! Nakakainis. HAHA! Syempre nakakakilig. Pagkatapos niya ako subuan, nilagay niya yung mga hinimay niyang chicken sa plato ko.

AWW. SO SWEET.

^

Sana po mag VOTE kayo kung nagustuhan niyo and COMMENT para malaman ko po yung thoughts nyo. ♥

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon