Ch.30 Finale

1.4K 20 0
                                    

"Ano haaa. Ano... ang cute cute ng apo ko." nilalaro ni Mommy at Daddy si Hannah.

God. How I missed them. Hindi rin sila makapaniwala kanina nang pumunta kami dito ni Tony. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon nila. Nag-iyakan at nag-kwentuhan pa nga kami eh. Idedemanda pa nila dapat si Dave but I insisted na h'wag.

"Hey."

May bigla nalang na pumulupot na braso sa tiyan ko.

Kakatapos lang naming kumain at nandito kami sa couch habang pinapanood sila Mommy at Daddy kung pa'no kausapin ang apo nila.

"I want a dessert." sabi niya.

Mahina kong pinalo ang kamay niyang nasa tiyan ko. "Tony..." saway ko sa kaniya.

Iba nanaman kasi ang kahulugan ng 'dessert' na sinasabi niya eh.

"What?" sininghot niya ang leeg ko. "Ano bang dessert ang iniisip mo?"

"Kahalayan mo nanaman." natatawa-tawang sabi ko.

"Masisisi mo ba ako? I have a temptation here."

"Tse. Ang cheesy mo na."

"A--" naputol siya nang magsalita yung isang kasambahay.

"Ma'am may naghahanap po sa 'nyo sa telepono." sabi nito kay Mommy sabay abot ng wireless phone.

"Ayaw mo ba?" pagtutuloy ni Tony.

"H'wag masyado, Tony. Nakakawalang gana at thrill na rin sa isang relation yung sobrang mushy."

"Sabagay."

Binaling ko ang ulo ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa labi.

"Jasmine, baby." rinig kong tawag sa 'kin ni Mommy.

I broke the kiss tapos humarap ako kila Mommy. "Yes, mom?"

Ngumiti siya. "Continue that cuddling later. You have someone to talk to." imabot niya sa 'kin yung phone.

Nangunot ang noo ko. Who could this be? Imposible namang si Dave.

"Hello?"

[Jas.]

Napasinghap ako.

"JETHRO!" medyo lumakas ang boses ko.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap ni Tony sa bewang ko. Hindi ko nalang pinansin.

[I missed you. Hindi ka manlang nagpaparamdam.]

"I missed you too. Maraming nangyari eh. Nandito ka na ba sa Pilipinas?"

[Yes. Actually 2 weeks na. Did you change your number?]

"Yeah. Kinailangan ko dati."

[Why? Kwentuhan mo naman ako. More than a year tayong walang communication.] parang malungkot ang boses niya.

"Okay, okay. Pero h'wag dito. Sayang ang bill mo. Eto naman nagtatampo ka agad." then I laughed.

[Free ka ba ngayon?]

"Hmm, yes?"

[I bet nandyan ka sa parents mo, should I just go there or labas nalang tayo?]

"Labas nalang tayo."

Humigpit nanaman ang yakap sa 'kin ni Tony kaya napatingin na 'ko sa kaniya and I mouthed 'what'.

Umiling siya. Indicating na ayaw niya ng desisyon ko.

Nakita kong tumawa sila Mommy at Daddy.

[Okay, I'll pick you up.] narinig kong sabi ni Jethro.

"Okay. Sandali lang mag-aayos lang ako."

[Sure. May inaayos pa rin naman ako eh.]

"Okay, bye." I said then I hanged up.

Tinignan ko si Tony at tinaasan siya ng kilay.

"Grabe pala ang asawa mo, anak." tukso ni Daddy kay Tony habang nakatawa.

"Asus. Ganyan ka rin naman sa 'kin noon." pang-aasar din ni Mommy.

"Sweetheart naman, h'wag mo 'kong ibuking." tapos kiniliti niya si Mommy.

"Sw-sweetheart! Mamaya na! Baka malaglag ko ang apo natin."

"Pffft!" pagpipigil ko ng tawa. "Talagang 'mamaya', Mommy ah." asar ko.

"Heh!" sabi niya. "Tignan mo yang asawa mo. Parang aabot na hanggang kay Jethro ang nguso."

Napatingin ako kay Tony at napa-hagalpak ng tawa.

Pa'no, naka-pout siya na parang bata.

"Tony! HAHAHAHA!"

"H'wag ka umalis." nagpapa-cute siya.

"Ano ba Nagseselos ka ba? HAHAHA! Grabe ka, bestfriend ko naman yun. Mas nauna ko pa nga 'yong nakilala sa 'yo."

Mas nag-pout siya. "Ayun nga eh. Baka mamaya..."

"Baka mamaya ano?" I kissed him. "Tony... mag-asawa na tayo. Nothing to worry about. Sa 'yo na 'ko... at akin ka lang rin. HAHAHAHAHAHA!"

Ngumiti na siya.

Haaay. Seloso pala ang asawa ko.

I just smiled with that thought.

--

"Bro, alis na 'ko." paalam ni Jethro kay Tony.

Actually kakahatid niya lang sa 'kin dito sa bahay nila Mommy.

Pero medyo ginabi na kasi. Ang dami kasi naming pinag-kwentuhan. Grabe pala, ang successful niya na talaga. Kaya kailangan niya nang umalis rin agad dahil may aasikasuhin pa siya.

At mas lalong gumwapo ang bestfriend ko. Kaso sabi niya wala pa raw siyang girlfriend. Inamin niya rin... inamin niya kanina na may gusto rin siya sa 'kin, noon. Kaya rin siya umalis para makapag-move on. So yun. Ngayon nga daw may pinopormahan siya pero parang totomboy tomboy daw pero ang ganda. Nakita ko yung picture eh. Anak mayaman din. Hindi niya nga daw alam kung bakit nagustuhan niya yun pero he finds her interesting daw.

Nakita niya nga rin daw si Clarice sa states. Mag isa lang. Nabili sa grocery store.

He congratulated us with our baby. Kaso nainis ako sa kaniya nang sabihin niyang mas nakuha ni Hannah yung features ng Daddy niya... na totoo naman. Mata nga lang yata yung sa 'kin eh.

Hinatid ko nalang siya hanggang labas.

Dito kasi kami matutulog ni Tony dahil gusto pa ng Lolo at Lola ng more bonding time kasama yung apo nila. Sila sila yung magtatabi.

9 o' clock na rin ng gabi kaya nasa taas na sila mommy. Baka natutulog na rin o nilalaro pa si Hannah. Sanay kasi magpuyat yung batang yun eh. Sa umaga hanggang tanghali yung tulog, sa gabi gising. Parang bampira.

"Let's take a shower." yaya ni Tony.

Napailing nalang ako at sumama sa kaniya sa loob ng banyo. Makakatanggi pa ba ako? Isa pa, gusto ko rin naman. MWAHAHAHA!

The moment we stepped at the tiled-floor, that thing happened again.

^

Sana po mag VOTE kayo kung nagustuhan niyo and COMMENT para malaman ko po yung thoughts nyo. ♥

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon