Ch.26 Enough

1.5K 12 0
                                    

NAGISING ako na hirap akong gumalaw. Sa tuluyan na pagdilat ko ng mata ko, hindi ko maikilos yung dalawa kong kamay.

Nakatali yung kamay ko! Tinignan ko ang paligid. Para 'kong nasa isang kwarto. Nilibot ko yung tingin ko. Hindi pamilyar 'tong kwarto na 'to.

Pinilit kong kapain ang taling nakapulupot sa kamay ko. Hindi ako kumportable sa pwesto ko at gusto kong makahinga ng ayos.

"LETSE KAYO PAKAWALAN NIYO 'KO!" sigaw ko.

Para akong hinang hina agad samantalang katiting lang naman yung sinigaw ko. Napayuko nalang ako habang hinihingal at nakapikit.

Maya maya pa narinig kong may nagbukas kaya napa-angat ako agad ng ulo.

"Dave?!" sigaw ko.

He smirked.

"G*go ka! Bakit mo 'to ginawa?!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Diba sabi ko sayo gusto kita?"

"Ano bang kailangan mo! May asawa na ko!"

Tumawa siya na parang demonyo. "Alam ko. May anak na rin kayo 'diba? Katawan mo ang gusto ko. Ano sa tingin mo? Hindi na kita bababuyin dahil may asawa at buntis ka?!" sumugod siya sa 'kin at marahas na hinawakan ang panga ko. "HA?!!"

"ANO BA!" bigla akong pumilig sa kanan para matanggal yung pagkakahawak niya sa 'kin. Nandidiri ako sa kaniya! "NAPAKABABOY MO!"

"Ang tapang mo ah."

"Nandidiri ako sa 'yo! Hindi mo manlang inisip ang girlfriend mo!" singhal ko sa kaniya.

"Who? Si Clarice ba?" ngumisi siya at pumilig sa kabilang side. Nakita kong parang ndg-iba ang emosyon ng mata niya. Parang napuno ng pinag-halong galit at lungkot. Tumingin siya ulit sa 'kin. "Si Clarice? Si Middleton pa rin ang mahal niya!"

Parang natigilan ako sa sinabi niya. Oo, alam ko naman yun pero bakit parang natatakot ako. Natatakot ako na baka magkabalikan sila lalo na nang maalala kong sabi ni Dave kanina na magkasama sila. Bakit aalis bigla si Tony nang hindi nagpapaalam. Masyado bang emergency 'yon at kahit tatlong minuto hindi niya maibigay para magpaalam manlang? Selfish na kung selfish pero... Arrrgh! Hindi ko kayang mahiwalay kay Tony!

"Hindi na 'ko maging masaya..." he uttered. Mahina lang 'yon at pakiramdam ko, punong puno yun ng emosyon. "...HINDI NA 'KO MAGING MASAYA DAHIL SA P*TANG IN*NG ANTHONY YAN!" sigaw niya bago niya hawakan ulit ang panga ko. Wala na 'kong magawa kun 'di pumikit nalang. Sa totoo lang, naguumpisa na 'kong matakot sa kaniya.

Sa mukha pa lang niya, halatang halata nang galit siya. Natatakot ako. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa baby namin ni Tony.

Napangiwi ako nang mas diinan niya pa ang pagkakahawak niya. "Lahat nalang kinuha niya sa 'kin."

Napadilat ako. Ramdam ko sa boses niya na punong puno 'yon ng hinanakit. Bakit ba napaka laki ng galit niya kay Tony.

"A-ano bang ginawa niya sa 'yo?"

"Lahat inagaw niya... LAHAT!!!!"

"Anong inagaw niya?" lakas loob kong tanong. Nililibang ko lang siya habang pilit kong tinatanggal ang tali sa kamay ko.

"Si Clarice!"

"Si Clarice lang?"

Baliw rin 'to eh. Sabi niya lahat? Eh mukhang iisa lang yung hindi siya pinalad na makuha. Gwapo naman siya kaso demonyo ata ang pag-uugali kaya no doubt, si Anthony talaga pipiliin ni Clarice.

Biglang sumama yung tingin niya sa 'kin. "Napaka dami mong tanong. Manahimik ka."

"Pakawalan mo na kasi ako."

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon