Ch.10.5 WHAT IS HIS TRUE FEELINGS FOR HER

1.5K 12 0
                                    

A/N: Maikli po ang last chapter kasi ito po ang karugtong niya.

----------

CHAPTER 10.5

"Hush. No buts." pagtitigil ni Clarice kay Anthony

Clarice placed her pointer finger on the lips of Anthony.

Kalaunan ay tinanggal niya din iyon at sinabit ang dalawang braso sa batok ni Anthony.

Palapit na ng palapit ang mukha ni Clarice kay Anthony.

"Clarice stop thi----"

Hindi na naituloy ni Anthony ang sasabihin ng sunggaban siya nito ng halik.

Noong una ay ayaw niyang tugunan ang halik nito. Pero hindi niya namalayan na tumutugon siya dito.

"Jasmine...." laking gulat ni Anthony sa binanggit niya. Medyo naitulak niya papalayo si Clarice.

"W-what did you just say? Who is she?!

WHY? WHY AM I THINKING HER? BAKIT SIYA ANG AKALA KONG HUMAHALIK SAKIN- ayan nalang ang naisip ni Tony.

Naalala niya bigla kanina habang hinahalikan siya ni Clarice ang nangyari sa kanila ni Jasmine kaya napatugon siya bigla.

"Answer me Anthony! Bakit iba ang binaggit mo while we are kissing?!"

Natauhan naman si Anthony dahil sa pagkakasigaw ni Clarice.

Kahit siya ay hindi alam kung bakit bigla niyang naalala si Jasmine.

"My fiancee."

"WHAT?! Akala ko ba maguusap tayo?!"

"Yea. We used to talk. But look what you did. I just wanna ask kung bakit mo ako iniwan dati. Pero I guess I need to go first now." tumalikod na ito at hinawakan ang knob.

"NO! Tell me. Do you love that Jasmine?"

Napatingin ulit siya dito. Miski siya ay hindi niya alam ang sagot.

"I have to go now."

"Answer me first! Bakit hindi mo masagot? Perhaps you used her for the sake of moving on from me. She's just a rebound isn't she?" confident na tanong ni Clarice na para bang alam niya na ang magiging sagot nito.

"No." nagulat si Clarice sa sagot nito. "You know Clarice? Wala akong tungkulin na magpaliwanag sayo. Okay? Magusap nalang tayo pag clear na ang mga isip natin. So if you could excuse me, I will go now."

Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at lumabas na naiwang gulat si Clarice.

Wala siyang kotse dahil ginagamit niya lang ang Ferrari niya for car racing.

Kaya nagtaxi nalang siya.

Past 11pm na nang makarating siya sa bahay nila.

Nakapatay na ang mga ilaw pero may kaunting ilaw sa may sala.

Naalala niya na iniwan ni Clarice doon ang susi.

Pumunta siya sa sala para kuhanin ang susi ng kwarto niya nang may nakita siyang post it na nakadikit sa glass table tabi ng susi.

"Hey Tony! If you didn't eat your dinner yet, I brought Ice cream. I heard nakakabusog din daw ang ice cream. Haha. Lubusin na, medyo mabait ako ngayon."

"Ice cream for dinner. Hahaha." natatawang sambit na mahina ni Tony.

Hindi niya inaasahan na bibili pa ng ice cream si Jas for him. Kaya kahit wala siyang gana eh pumunta na din siya sa ref sa kusina at kinuha ang ice cream.

BAKIT KAYA ANG BAIT NIYA NGAYON. HAHA- naiisip ni Tony habang nakain ng ice cream.

Favorite niya ang flavor ng Ice cream, chocolate.

Pagkatapos niya kumain, umakyat na siya.

May kung anong humila sa kaniya para silipin ang kwarto ni Jas.

Nakita niya ang napaka-among mukha ni Jas. Nakapatay ang ilaw at ang buwan lang ang nagpapaliwanag dito.

At nakita niya rin na....

Medyo nakataas ang nighties nito at malapit nang makita ang bra nito.

Isinara niya agad ang pintuan nito at umiling.

Pumasok na siya sa kwarto niya.

Malinis ang kwarto at puti din. Tamang tama kasi gusto niya ng puti.

Habang nagsha-shower siya, may isang bagay na nakakapagpagulo talaga sa isip niya at ito ang

WHAT IS MY TRUE FEELINGS FOR HER?

Natapos na siyang magshower at humiga na siya.

Gusto niya ng matulog pero pilit ma ginugulo yalaga ng isang bagay ang utak niya.

Baling dito, baling doon. Harap dito, harap doon.

Pero hindi pa din siya makatulog.

Past 2am na siya nakatulog.

^

Sana po mag VOTE kayo kung nagustuhan niyo and COMMENT para malaman ko po yung thoughts nyo. ♥

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon