PROLOGUE

11.2K 81 18
                                    

REMEMBER: THIS STORY IS SUPER UNDER REVISION. WHICH MEANS SOBRANG DAMI PONG MGA MAGIGING PAGBABAGO. KAHIT MISMONG MGA PANGALAN AT PLOT PO AY MAGBABAGO. NAPAKA GULO PO NG MGA SUSUNOD NA CHAPTER DAHIL PUTOL PUTOL.

Kasabay ng pag bangon ni Laura ay ang pagtunog ng alarm clock niya. Sakto lang pala ang gising niya.

Nag unat-unat siya then she did her morning routine bago lumabas ng sariling kwarto. 

"Good morning."

Napalingon siya sa nagsalita. Tinanguan niya lamang ito at nagtuloy tuloy sa pagbaba ng hagdan.

Pagpasok niya sa kusina ay nakita niya si manang Delia na matandang kasambahay nila na nagtitimpla ng kape.

Napalingon ito sa kaniya, "Magandang umaga po, ma'am."

Nginitian niya ito, "Good morning din po, manang."

"Nakahanda na po ang agahan."

Tumango siya, "Salamat po."

Saktong pag upo niya sa hapag kainan ay ang pagpasok din sa dining area ng lalakeng nakasalubong niya kanina.

"Sir Henry, ito na po ang pinatitimpla ninyong tsaa." ani manang Delia habang nilalapag sa lamesa ang isang tasa ng tsaa.

"Salamat po."

Nakita niyang umupo si Henry sa tapat niya at kinuha ang diyaryo sa katabing upuan.

Nagpatuloy lang siya sa pagkain.

They've been like that since they were married four weeks ago. Pinili nilang maging kaswal lang sa isa't isa. Hindi sila naguusap kung hindi kinakailangan.

She mentally heaved a sigh.

Hanggang ngayon ay parang hindi niya pa rin matanggap ang set-up nila. Kung hindi lang para sa Auntie niya na nagalaga sa kaniya ng mahigit dalawampu't tatlong taon... na malapit nang bawian ng buhay ay hindi niya gagawin ito.

Parang gusto niyang magsisi kung bakit hindi nalang siya tumakas. She wanted to curse herself for being stupid.

It's because of the conscience, Laura. Maaatim mo ba na takasan ang hinihiling ng Auntie mo.

Yeah, right. It's because of that damn conscience.

Kahit anong pilit niya sa sarili na tumakas nalang ay hindi maatim ng konsensya niya. She loves her aunt so much. Hindi niya kayang gawin ito roon.

Natapos ang pagkain niya nang walang nagsasalita ng kahit sino sa kanilang dalawa ni Henry.

She excused herself before leaving the dining room.

Bumalik siya sa sariling kwarto at hinanda ang susuotin niya.

Nadako ang tingin niya sa bedroom side table kung saan nandoon ang ring box na pinaglalagyan ng wedding ring niya.

She sighed.

Bakit kasi kay Henry pa.

Napabuntong hininga nanaman siya bago pumasok sa banyo.

She soaked in her bathtub for thirty minutes before she washed up.

After having a shower, she fixed herself and did some natural makeup.

Sinuot niya ang kabibili niya lang na pastel pink sleeveless blouse niya then she topped it with her favorite Zara black blazer. She wore a trouser and paired it with a Kate Spade black high heels.

She checked her whole self in front of the mirror first before getting her black Michael Kors handbag.

Pababa na siya ng hagdan nang maalalang may nakalimutan siyang dalhin.

Bumalik siya sa kwarto at saka lumapit sa side table para kuhanin ang wedding ring niya. She put the ring box inside her bag before leaving the room.

Mahirap na dahil minsan ay biglaang mayroong paparazzi nalang ang makikita niya sa labas ng building ng opisina niya at nagpupumilit pumasok. She doesn't know! She's not an actress afterall pero interesadong interesado ang mga ito sa mga buhay ng pamilya nila ni Henry.

Syempre she wouldn't want na makita ng mga ito na hindi niya suot ang wedding ring nila dahil kahit simpleng mga bagay ay napapansin at binibigyan kaagad ng issue ng mga ito. They're hawk eyes!

Henry and her agreed to be alert and aware dahil baka makarating ang mga bali-balita sa Auntie niya na nasa America na nagpapagamot.

She just really can't understand kung bakit sa lahat ng lalakeng kakilala sa business world ng asawa ng tunay na mommy niya--which is his step dad ay si Henry pa ang napili ng mga ito.

Yes, she accepts the fact that her aunt knows na 'nagmamahalan' sila ni Henry ngunit ay dapat tumutol ito.

Ugh! But knowing her aunt, basta masaya siya ay masaya na din ito. Pumayag ang Auntie niya na kay Henry siya magpakasal at mukhang boto pa despite the fact that she knows what happened to them.

What was once between them.

What was once Henry did to her that crashed her heart...

...so bad.

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon