6th Chapter

3.3K 34 3
                                    

Two months have already passed at ganoon pa rin ang set-up nila ni Henry.

And she hust heard a good news!

Her aunt is slowly getting healed.

Naiinis siya dahil ibig sabihin niyon ay mas magtatagal pa silang magkasama ni Henry pero ayaw niyang i-consider na bad news ang unti unting paggaling ng Auntie niya.

Bahala na.

Once she's totally free of illness, sasabihin niya dito ang totoo.

She's a hundred percent sure naman na maiintindihan sila nito kung bakit nila ginawa ang kasal na iyon.

Kinakalikot niya ang phone niya habang umiinom siya ng frappé sa paborito niyang café nang napansin niyang may umupo sa upuan sa harap niya.

Nag-angat siya ng tingin at awtomatikong napataas ang isang kilay niya.

"Laura."

She doesn't know if she's really a rude person but she chose not to give this person any single word.

Nagbaba siya ulit ng tingin sa phone niya.

"Laura." ulit nito.

She rolled her eyes first before looking at him, "What do you want, Clark?"

"I heard what happened three years ago. I just want to say so--"

Pinutol niya ito, "Yeah. Just don't talk to me and everything will be fine. So, if you excuse me." tumayo siya at lumabas na ng café.

Nakunot niya ang ilong. Great! Her good day has just been ruined.

Tumingin siya sa relo. It's just nine am.

Napagpasyahan niyang umupo muna sa park na malapit sa kompanya nila.

While she's sipping on her frappé, hindi niya maiwasang maalala iyong nangyari noon.

Inis na inis siya at hindi niya alam kung bakit.

Maybe because Henry doesn't even call her! Tulog pa ba ito?

Umaatake nanaman ang mood swings niya.

It's already past ten o'clock in the morning pero nakahiga pa rin siya sa kama niya.

Mabuti nalang at foundation week nila. And they are not obliged to go to school unless required by their professor. Pero wala namang nagcompel na professor nila na sumali sila sa activities.

Gusto niyang mapatili sa inis dahil ang tagal magising ni Henry.

Hindi naman ito ganoon. Maaga itong nagigising lagi.

Pero nitong mga nakaraang linggo ay lagi itong tanghali na kung magtext o tumawag sa kaniya.

Winagwag niya ang paa at nagtalukbong ng unan sa mukha.

Isa pang kinaiinisan niya ay kung bakit ganito siya! Parang maiiyak na siya sa inis.

Magaling siya magkontrol ng emosyon niya pero ngayon ay hindi niya alam kung bakit gusto niyang magbato ng gamit dahil sa inis.

"Inhale, exhale, Laura. Control yourself."

Pumikit siya at saka huminga ng malalim.

Matutulog sana siya ulit at baka sakaling paggising niya ay may text na ang nobyo at wala na ang inis niya pero biglang bumaliktad ang sikmura niya.

Parang nasusuka siya pero pinigilan niya iyon.

Nagugutom na yata siya. Hindi na siya makakatulog pa kaya naghilamos nalang siya at nagtoothbrush bago lumabas ng kwarto.

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon