Ch.12 Is he sick?

1.5K 11 0
                                    

CHAPTER 12

"M-may.....may dala pala akong face towel. Pupunasan sana kita." sabi ni Tony.

Naiilang ako. First time ito.

First time ko na mailang sa lalake. Bakit ba ako nagkakaganito?!

"Ahh. Thank you. Pero I think kaya ko naman na magshower."

Nakatulala lang siya sakin.

Ang weirdo naman nito.

"Hey!" tinapik ko yung balikat niya.

"H-ha? Ano yun?"

I rolled my eyes heavenwards.

"I said, kaya ko ng maligo."

Patayo na ko ng hawakan niya yung wrist ko. Napatingin ako bigla sa kaniya.

"Bakit?"

Ewan ko ba. Bakit parang may butterflies sa tiyan ko. Pero di ako nagpahalata.

"Kumain ka muna."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Ano ba! Bakit naman ganiyan itsura niya. Gwapo eh. Haha. Ayyy. Che! Namamalik mata ka lang Jas. Ang lalim nga ng mata niya eh. Natulog ba 'to?

"K."

Nagshrug na lang ako at bumaba sa kama. Naalala ko. May pagkain ba? -___-

Bahala na nga.

Lumabas na lang ako ng kwarto at bumaba.

Nung nasa kalagitnaan na ko ng baba. Narinig kong sumara yung pinto sa taas. Baka lumabas na siya. Yes naman. Ang tagal niya bago lumabas ah?

Pagkababa ko, dumiretso ako sa kitchen.

"Eh? Bakit may soup dito?" nagulat ako.

Wala naman na sila manang eh. Unless pinabalik sila? *.*

"Ikaw nagluto? O nandito na si manang?" tanong ko. While my eyes are shining.

I really missed manang. :(

"A-ako nagluto niyan." sabi niya sabay iwas ng tingin.

Ano yun? Nakakapagtaka na talaga 'to.

"Bakit ka ba ganiyan? Nagaalala ka ba na baka hindi masarap 'to? Hahaha."

Inaasar ko lang siya. Ang panget kasi talaga ng atmosphere. Masyadong seryoso. Maganda pag chill lang tayo! Dibuuuh?

"Anong bakit ganito?" huminga muna siya ng malalim at nagangat ng ulo. "Ako pa. Masarap yan. Tikman mo kaya." dagdag niya.

Yabang.

"Hooooo! Ang hangin. Pakipatay na nga ang aircon. Haha."

Hinawakan ko ang magkabila kong braso ko na kunwari ay nilalamig.

Nakita ko siyang napatingin sa bandang baba ko at pumikit siya ng mariin sabay baling ng ulo sa kaliwa.

Napatingin agad ako sa kaninang tinignan niya. Wala namang masama sa suot ko. Nakashorts naman ako.

Problema nito?

"Problema mo?"

Nagulat siya.

Napabaling ulit yung tingin niya sakin.

Namumula siya. Is he sick?

Nakatitig lang siya sakin. Kanina pa 'to ah.

"Huy! Ano ba! May sakit ka ba? Namumula ka eh. Tulala ka din diyan." lumapit ako sa kaniya.

Papalapit ako ng papalapit para hawakan ang noo niya.

Pagkahawak ko napasinghap siya.

Ayy?

"Wala ka namang lagnat. Dude. Pacheck up ka na. Haha. Baka may problema ka sa isip. Kumain na nga tayo." sabay tapik ko sa balikat niya at talikod.

*********

Pagkatapos ko maligo, pumunta nalang ako sa sala para manuod ng TV.

Wala naman kasing magawa eh.

Palipat lipat ako ng channel. Wala naman kasing mapanuod na maganda.

Magmall na lang kaya ako? Kaso madami nanamang eeksena.

Movie marathon kaya? With whom naman?

Ahhhh! Alam ko na. Papapuntahin ko na lang si Jethro para samahan ako manuod ng DVD dito.

Calling Jethro...

Tagal bago sagutin ah.

[Hmm. Hello?]

"Ay. Bagong gising ka?"

[Hindi naman. Bakit pala?]

"Sorry. Busy ka ba? Inaantok ka pa ba? Haha! Punta ka sana dito sa bahay. Movie marathon."

[Sure. Hindi na asdfghjkl.]

"Ano?"

[W-wala. Sige. Maliligo na ko. Wait me.]

Tapos inend niya na yung call.

Anyare dun?

"Hay buhay." nasambit ko nalang at naghanap na ng DVD.

^

Sana po mag VOTE kayo kung nagustuhan niyo and COMMENT para malaman ko po yung thoughts nyo. ♥

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon