Ch.19 Honeymoon part 1

3.9K 25 0
                                    

THIS CHAPTER IS FOR OPEN MINDED READERS ONLY.

CHAPTER 19

Lumipad na kami papuntang France. Private jet ang gamit namin. Tahimik lang ako. Nahihiya pa din ako sa nangyari kanina. Naalala ko kasi si Dave. Yung ex ko. Bwiset. Hindi ko alam kung bakit ko siya naalala. To be specific, yung scene na paghihiwalay namin yung naalala ko. Kaya lahat ng galit ko sa kaniya, bumalik. Actually hindi pa naman nawawala yun eh. Alam ko masama magtanim ng sama ng loob. Pero kung sainyo nangyari yun, malamang lamang ganiti dib maramdaman niyo.

Nakakahiya talaga kanina. Umiyak pa ko. Sabi ko hindi ko na iiyakan yung Dave na yun eh. Nagagalit nanaman ako sa kaniya.

Bakit ba kami naghiwalay?

Ganito yun, dahil dakilang manhid ako dati at mahal na mahal ko si Dave, nung nakita ko siyang nakikipaghalikan sa isang babae, inintindi ko siya. Kesyo yung babae lang daw yung humalik sa kaniya at nadala siya. Diba? Ang ganda ng reason. At ako naman, tanga. Naniwala. Dati lang yun.

Eto na ang malala.

*FLASHBACK*

"Jasmine. I'm really really sorry. Pero....."

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Pero.......nakabuntis ako. I'm sorry."

N-nakabuntis siya? Totoo ba yun?

"Is....is that true Dave?"

Nagbaba siya ng tingin.

"Yes Jasmine. I'm so sorry."

Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako.

"Jasmi----"

Hahawakan na niya ang kamay ko ng umiwas ako.

"Don't. Don't touch me."

Pagkasabi ko nun, tumayo na ako at tumakbo.

*END OF FLASHBACK*

Simula nun, pinangako ko na magiging palaban ako. Kaya ako naging maldita at takot magmahal.

Eto kaya si Tony? Bakit kaya sila naghiwalay nung Clarice? Di ko pa nakikita itsura niya eh. Ang alam ko lang eh yung pangalan niya.

Kung ano ano nang naiisipko ngayon. Minsan nakakatulog ako, tapos magigising tapos magiisip tapos makakatulog ulit. Hay nako. Ano ba naman yan.

Nabalik nalang ako sa realidad nang hawakan ako sa kamay ni Tony. Napatingin nalang ako sa kaniya at narinig ko na may nagaannounce na nandito na daw kami sa France. Parang ang bilis naman.

Ngumiti lang si Tony tapos inalalayan akong tumayo. Nakakapagtaka. Hindi niya ako kinukulit ngayon.

I am just staring at her kanina. Parang ang lalim lalim talaga ng iniisip niya. I'm still wondering kung ano yun. Pero sa tingin ko hindi ito yung tamang panahon para itanong sa kaniya yun. I think ang kailangan niya eh comfort.

Kanina, nagiisip siya tapos makakatulog minsan. Nung unang tulog niya may luha pang lumabas. Pinunasan ko nalang yun. Tapos magigising siya tapos magiisip nanaman. Tapos makakatulog, magigising. Medyo weird nga eh.

Saka parang di niya napapansin na nakatingin lang ako sa kaniya.

Nung sinasabi na nandito na kami sa France, hinawakan ko yung kamay niya.

Parang nagulat pa siya na nadito na kami sa France. Nginitian ko nalang siya tapos ay inalalayan siya tumayo.

May yacht kami. Yung yacht ng pamilya namin ang gagamitin papunta dun sa private island nila Jas. Private island na may resort. Diba sosyalin.

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon