Ch.15 Is she jealous?

1.7K 16 8
                                    

NOTE: This is all what I could say. THANK YOU! THANK YOU SA LAHAT NG BUMABASA NG STORY NA TO. SA LAHAT NG FRIENDS KO SA FACEBOOK. Hayaan niyo, pagla nakaluwag ako sa oras, iisa-isahin ko kayo. Hahaha!

-------------------------------------

CHAPTER 15

"Yes. With benefits." wala ng atrasan 'to.

Pero pano na si Clarice? See. I'm so kind. Naisip ko pa rin siya.

"Pano si Clarice?"

Ehhhhh? Dis I just ask him?! Nawawala na ako sa sarili ko. >__

"K-kilala mo siya?"

"H-ha? Wala yun. Haha. Joke lang yun. Sige. Tulog na ko. Good night!" ngumiti ako ng pilit at tumalikod sa kaniya.

Buong akala ko eh makakaligtas na ako sa kaniya.

"Tell me......Jas." matigas na sabi niya. Kahit naman sino mapapahinto sa tono ng boses niya.

Dahan dahan akong humarap kay Tony. Habang nakangiti ng pilit. Ewan ko kung ano nang itsura ko ngayon. Di ko alam. Ano ba sasabihin ko? Bakit kilala ko siya?

Nagyuko ako ng ulo.

"Ahhh....ehh....Kasi ano...."

Ano ba Jas! Bakit ka nauutal diyan?! Tsk. Si Tony lang yan. Kaya mo siya. Fighting!

Unti unti akong nagtaas ng tingin. Nakita ko ang mukha niyang nagiintay ng sagot.

Inhale Jas. Inhale. Then exhale.

"Pinaimbestigahan kita, bakit?" taas kilay kong sagot. Ayan. Ayan si Jasmine. *winks*

"And why?" nakikipaglabanan 'to sakin ng tarayan ah?

Sige lang. Aatras na nga ako eh. Hahahaha! Syempre joke lang!

"Aba! Malay ko ba kung anong klaseng tao mapapangasawa ko? Kaya pinaimbestigahan kita. Masama? Ha?" at inirapan ko siya.

"So alam mo lahat?"

Alam ko nga ba lahat? Yata? Ewan!

"Ewan ko. Matutulog na nga ako."

Sabay talikod sa kaniya. Nako. Watch your mouth Jas. Wag mo ii-speak out yung nasa isip mo Jas! Nako talaga.

May naramdaman akong mainit na kamay sa braso ko.

"Ano nanaman kailangan mo?!" singhal ko sa kaniya. Pagkaharap ko sa kaniya nakangiti siya ng nakakaloko.

"O anong nginingisi ngisi mo diyan mukha kang aso."

Joke! Gwapo kaya. Pero syempre konti lang. Bwiset pa din ako sa kaniya. Pero kung hindi, full time gwapo na siya. Hahahaha!

Nako. Kalandian, lubayan mo ako ngayon. Utang na loob.

"Ako? Mukhang aso? Baka gusto mo malaman kung sino tinatawag mo na mukhang aso?"

"Thanks but no thanks. Shu!"

Hahahaha! Maka-shu ako eh noh? Humigpit ang hawak niya sa braso ko. Pero di naman masakit. Hinigpitan niya lang para di ako makaalis.

"Pano na si Clarice? Ikaw? Ano ba gusto mo mangyari?" tanong niya sakin wearing his grin.

"Wala. Bahala ka. Inaantok na ko. Kaya kung pwede, get off of me man."

Binitawan niya na yung braso ko pero di pa din nawawala yung nakakalokong ngiti sa labi niya.

Nasa gitna na ako ng hagdan ng marinig kong magsalita siya.

"Tss. You're just jealous. Haha."

Hindi ko nalang siya pinansin. Pero.....AM I JEALOUS?

TBC...

---------------------

Short update muna. Bangag na kasi ako eh. I dedicate this sa operator ni Jasmine Alice Cowell sa facebook.

Yung iba po na nagpapadedicate, next chapters po ha. Gagawa po ako ng book pero list po ng usernames niyo. ^^ thanks!

VOTE if you liked.

COMMENT if you want.

Ciao! Danke.

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon