EPILOGUE

1.8K 16 0
                                    

"Uwaaa." napatingin ako agad kay Jassy na hawak si Hannah.

Hinagod hagod niya ang likod ng 3 year old baby namin. Ang cute nilang mag-ina.

"Baka nagugutom na, Jassy?" tanong ko.

Lumapit siya sa 'kin.

"Gutom ka nanaman baby?" hinalikan niya ang pisngi ni Hannah.

Binigay ko ang bote ng gatas. "Jassy, ako nang hahawak. Mabigat siya."

Akmang kukunin ko na sana ang baby namin nang tumawa si Jas. "Ano ba, Tony. 3 months pregnant palang naman ako. Kaya ko pa si Hannah. Ikaw kaya lagi ang nagkakarga. Baka maging spoiled na 'to masyado sa 'yo." then she laughed again.

Pinisil ko ang pisngi niya. "You're so gorgeous, Jas. Beyond gorgeous is the right term."

"Asus. Nambobola nanaman ang asawa ko." then she swiftly kissed me on the lips.

"No, I'm not. Kaya alam kong paglaki ni Hannah magiging kasing ganda mo rin siya and I'll never let any man touch or court her." paninigurado ko.

Umawang ang labi niya. "Are you serious?"

Tumango tango ako. "Hmm."

"Yung totoo, Tony? Gagawin mo bang matandang dalaga 'tong si Hannah?"

Napaisip ako dun. "Hmm. No? Pero late 30's na siya pwede magpaligaw?"

Para siyang nabulunan at hinampas niya 'ko sa braso. "Tony! Grabe ka. Baka hindi na magka-anak si Hannah niyan. Alam mo bang ang panget rin para sa mga anak ang sobrang strict na parents? Like they're pushing their own siblings to rebel. It's not good, Tony. Sinasabi ko sa 'yo. Tama lang na paghigpitan natin siya pero h'wag naman yung sobra sobra to the point na pati lovelife pinapakialaman. I mean, of course kailangan nating malaman ang tungkol sa lovelife niya pero hindi tama na tayo ang gumawa ng decision para sa kaniya. I-I want her to feel that we support her decisions... as long as it is right and will not harm her." parang nangingilid ang luha niya.

"O-okay, Jas. I'm sorry."

"Sorry din. I... I just remembered something. Ang haba ng speech ko." then she laughed again.

"Is it about your parents? About your life?"

"Y-yes."

Hindi ko rin siya masisisi. Alam ko namang ayaw niya sa ginawa ng parents niya dati. Pinakasal siya sa hindi niya naman mahal... nung una lang, siyempre. Hindi pa niya naranasang magmahal talaga bago kami ikasal. Mabuti nga at hindi siya nag rebelde.

"I think I should thank our parents." I said.

She smiled sweetly. "I should too. May mabuting epekto rin naman pala yung pagpapakasal nila satin. Well..." she shrugged. "... I never expected that we'll be like this. Akala ko, sa buong pagsasama natin, mabubuhay lang tayo na kontrata lang ang sinusunod."

After that, we shared a passionate kiss. Hannah between us.

--

"Ah-aaaww! Tony... I'm laboring!"

Pinatay ko kaagad ang kalan at patakbo akong lumabas ng kusina.

"Manang, tawagan niyo ang driver pati sila Mama." sabi ko kay manang na hindi alam ang gagawin kay Jas. Mabuti nalang pala pinag-stay muna siya dito nila Mama (Mommy ni Jas) para daw pag manganganak na si Jas.

"A-aaah!" pikit na pikit na sigaw ni Jas habang hawak hawak ang baba ng tiyan niya.

"J-jas. A-ano yung natulo." nagpa-panic na ako. This is my first time seeing her laboring.

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon