A/n: This story is for my Bff's
(Claire and Mary Joy)
-***
May dalawang magkaibigan na nag-uusap sa isang lumang library ng kanilang eskwelahan.
"Alam mo ba, mukhang nagsisinungaling lang naman si Clarisse dun sa sinabi niyang may sumpa yung cabinet nila nuh?"
Sabi ng batang babae na nag ngangalang Mary Joy
"Oo nga, Siguro sinabi niya lang yon para sumikat dito sa school. If I know talagang malakas lang talaga ang sapak ng babaeng yun!"
Turan naman ng isa pang nagngangalang Claire
"Alam mo may nakita ako kanina na black book, dun oh! sa may dulo ng library!"
Sabay turo sa madilim na bahagi at tagong parte ng lumang library
"Weh? totoo?" namamanghang sabi ni Claire
"Oo nga! ano ka ba? Di naman ako katulad nung Clarisse noh!"
"Sabagay tama ka dyan Mary Joy"
Sabay silang pumunta sa dulo upang hanapin ang sinasabing black book
"Claire! Nahanap ko na..."
Medyo pabulong lang ang kanilang usapan dahil may striktang librarian na nagbabantay dito.
"Tara na, sa bahay ko namin basahin. Wala sina mommy eh"
Nagtagumpay ngang maitakas ng dalawa ang black book.
"Oh tara na! Bilis...Basahin na natin!"
Excited na sabi ni Claire
"Oo ito na!"
Pagbuklat ng libro agad na lumamig ang hangin kahit sarado naman ang buong kwarto ni Claire
"Ano to? Paraan ng pagtawag ng demonyo?"
"Mukhang maganda yan Mary Joy"
Nakaukit ang mga letra na para bang ginamitan ng dugo.
May mga imahe ng isang inverted triangle at pentagram sa bawat pahina.
"Oh cge sabay nating banggitin ah!"
Sabay ngang inusal ng dalawa ang mga katagang
'diabolous accipe me!
inferno open de door!''the hell is death'
Agad na namatay ang ilaw at nagkaroon ng mga kandilang nakapalibot sa kanila.
Agad na nahintakutan ang dalawa.
Walang naglakas loob upang magsalita. Tanging ang dalawang magkayakap sa dilim na hikbi ng hikbi lamang ang naririnig.
Dahan dahang bumukas ang pintuan at doon lumabas ang isang nakakatakot na nilalang.
May mapupulang mata at maitim na balat na punong puno ng balahibong itim.
Mga paang may mahahabang kuko at katawan na animoy bato.
At ito ay...
Ang demonyo!
![](https://img.wattpad.com/cover/49987007-288-k217802.jpg)
BINABASA MO ANG
Third Eye (Compilation)
HorrorThird Eye Stop looking around if your scared. Stop being curious with a less faith. Because once you find out something there's no turning back! ------------------* (A/n:) This is a compilation of many horror story that my imagination made.