(#08 Black Lady 2)

48 3 0
                                    

"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?"

Gulat na gulat ang mag-asawa at c Mang Edong sa Anyo ni Liezel

Mula sa maamong mukha ay nagkaroon ito ng nangingitim na balat at kulay itim na mata.

Kapansin pansin rin ang Pagtutuyot ng labi nito na para bang kay tagal ng uhaw na uhaw

Lumakad ito patungo sa Albularyo.

Takot na takot ang nag asawa ng makita nilang sinakal ng anak si Mang Edong

"Anak, i--tigil mo y-yan! Baka mapatay mo sya"

Nanginginig na sabi ng kanyang ama.

"sinong anak ang sinasabi mo? Haha! Wala na sya,AKIN NA ANG KATWANG ITO!!!"

Hinagis nito si Mang Edong at lumakad tungo sa mag asawa, hinarang ng ama ang kanyang katawan.

Ginamit naman ni Edong na pagkakataon ito upang kumuha ng isang baston at langis mula sa patay na hayop na may kasamang dugo ng patay na tao.

"Lumayas ka masamang espiritu sa katawan ng batang ito!"

Isang hampas lang ng baston ay nahimatay ang bata.

"Itali niyo sya, bilis!"

Agad naman itomg sinunod ng mag asawa.

Itinali nila ito sa kama nito at inorasyunan ni Mang Edong

Kapit kamay na nagdarasal ang mag-asawa na sana'y maligtas ang kanilang anak.

Sa oras ng pagoorasyon ay nagwala at sumigaw ang bata, ngunit ibang boses ang maririnig dito. Akala moy galing sa hukay ang mga tinig na maririnig

"MGA WALANGHIYA KAYO! PAKAWALAN NIYO KO DIT--"

Lumakas ang hangin at tumaas din qng kamang hinihigaan ni Liezel

"Tumigil ka! Umalis ka na sa katawan niya."

Grabeng pagkagulat ang nadama ng mag asawa.

Isang dasal ang nagpayanig at nagpayapa sa paligid.

Ibinuhos ni Mang Edong ang Langis at dugo sa noo ni Liezel.

Ang mga itim na kulay at nanunuyong labi ay bumalik sa dati.

"M--ma...P--pa..."

Mahinang sambit ni Liezel

Agad na pinakawalan siya at niyakap ng mga magulang.

Di magkanda ugaga ang dalawa sa pagpapasalamat kay Mang Edong.

Habang papalabas si Mang Edong, isang mala demonyong ngisi ang ipinukol nito kay Liezel.

Pagkalabas ng bahay ay isinarado niya ng lahat ang mga pinto at inilock iyon.

'Magpakasawa ka sa pagpatay Anak ko.'

Sa loob ng bahay ay nakahiga ang dalawang tao na puno ng saksak sa dibdib at likod.

Dugo ang makikita sa buong kabahayan.

Sinong mag aakala na planado ang lahat? Nagkaroon na ng bagong katawan ang Namatay na anak ng albularyo na sya ring may ari ng bahay mismo.

-----The End-----

Third Eye (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon