Mahilig kaming magkakabarkada na pumunta sa perya pag bakasyon.
Sa ngayon napagdesisyunan namin na sa horror train kami.
"Sino-sino magkakapartner?"
Kakaiba yung horror train na ito.
apat lang kase yung sasakyan at hanggang dalwa lang ang pwedeng isakay ng bawat isa.
Dahil nasa walo kami, sakto lang para sa bilang.
"Partner ko si Liezel" pagpiprisinta ko.
"Okay so, kayo ni Benjoe at Gwynette, Mark at Liezel, Joey at Helena tapos ako at si Jim naman"
Sabi ni Aiko.
Kayat kanya kanya kaming sakay sa train.
Nakapagtataka lang ng walang sinisingil na bayad yung mga nagpapatakbo ng train.
Inalok lang kase kami kanina king gusto daw ba namin ng free rides.
Aba edi umoo ako at niyaya ko sina Aiko
"Sigurado ka bang safe to?" Tanong ni liezel saakin.
"Oo naman, ako pa ba?"
Tumunog yung phone niya at tinatawagan daw sya ng mommy niya.
In the end napagpasyahan niyang umuwe kasama si Gwynette dahil hanap na rin daw sya.
Magkatabi kami ni Benjoe sa train na ito.
Nagsimula ng umandar yung train.
Grabe talaga parang totoong mga patay yung nakikita ko.
May malalamig pa ngang kamay ang humahawak sa braso ko.
"Ahhh!!! Bitiwan mo ko!!!"
sumisigaw si Joey habang si Helena naman ay tahimik lang at mukha namang takot na rin.
"Hoy Joey! Napaka matatakutin mo haha XD" Sigaw naman ni Benjoe.
May tatlong daan ang nakita namin.
Kada isang train ay may isang daan.
Kayat nagkahiwalay kaming anim.
"Waaah! Mark! Tingnan mo! Para talaga syang ulo ng tao."
Halos naghehysteriang sabi ni Benjoe
"Ano ka ba naman syempre manikin lang yan!" Sabi ko at tawa pa ako ng tawa ng biglang
"Ah....Mar-k"
May isang nakausling alambre ang pumulupot sa leeg ni Benjoe
Natakot ako sa aking nakita.
Sumirit ang dugo mula sa leeg niya at tumaas si Benjoe.
Ang posisyon niya ngaun ay nakabigti. Nangingisay na si Benjoe pero wala akong magawa dahil patuloy pa rin ang pagtakbo ng tren.
"BENJOE!!!" Pinipilit kong abutin sya ngunit huli na, naputol ang ulo niya dahil na rin sa talas ng alambreng pumulupot sa kanyang leeg.
Umiyak lang ako ng umiyak.
Dapat akong makaalis dito.
Tatalon na sana ako mula sa tren ng biglang may malamig na bagay ang humawak sa paa ko.
Nahintakutan ako sapagkat, putol na kamay ang nakahawak sa aking paa.
Agad kong sinipa ang kamay na iyon para malayo sa akin.
Kumapit ako sa hawakan sa gilid ng tren ng may biglang kamay na naman ang humawak roon...
kahit anong gawin koy di ko maalis ang aking kamay.
"Ahhh! Layuan mo ako! TULONG!!!"
Huminto ang tren kayat dali dali akong bumaba ngunit nasa riles palang ako ng makita ko ang paparating na tren nina Aiko.
Huli na ang lahat, di ako makaalis dahil sa mga kamay na nakahawak saakin.
Nagulat sina Aiko at Jim sa kanilang nasaksihan.
Nabunggo nila si MARK!
Tumalsik ang mga kamay nito sapagkat naipit ito ng mga gulong ng tren na kanilang sinasakyan.
Napahagulgol na lamang ang dalawa sa nangyare sa kanilang kaibigan.
Ang mga sumunod na nangyare ay di ko na maisasalaysay sapagkat wala ng oras.
Ako'y kanila ng hinihintay.
Pagsasaluhan pa namin ang mga katawan ng aming napatay.
![](https://img.wattpad.com/cover/49987007-288-k217802.jpg)
BINABASA MO ANG
Third Eye (Compilation)
HorrorThird Eye Stop looking around if your scared. Stop being curious with a less faith. Because once you find out something there's no turning back! ------------------* (A/n:) This is a compilation of many horror story that my imagination made.