(#13 Jeepney)

29 1 0
                                    

Hindi po ito totoong nangyare sakin pero, I think may nakaranas na nito.

------------------------*
"Oh sakay na, sakay na. Isa na lang oh aandar na."

Nakakasura tong barker na to. Isa pa daw eh dalwampu na kami dito sa loob ng jeep kasama na si manong.

dalwa sa unahan, yung driver at yung misis ata niya.

tapos siyam kada isang hanay. Ang init talaga kahit hating gabi na.

"Ano ba yan kuya, puno na po yung jeep baka di na to makaarangkada sa kagahamanan niyo aba!"

Sigaw ko habang nakakapit sa hawakan ng dyip at nakadungaw sa bintana.

Hindi naman ako pinansin nung barker at bigla na lang umandar yung dyip. Kaloka naman yung mga katabi ko sa dyip di man lang umimik kanina  eh kita na nga nilang siksik na kami.

Inabot ko na yung bayad ko. Marami na ring nagbabaan pero siksik pa rin ako dahil dito sa lalaking katabi ko sa kaliwa.

Pangalawa ako sa dulo at siksik na kami nung katabi kong bata.

"Ano ba yan, ang luwang luwang na nga ng jeep sumisiksik pa, mga manyak nga naman."

mahinang bulong ko habang panay ang paypay ko.

'Ang init talaga'

13 na lang kami sa jeep kasama yung driver.

"Ah ate..."

Kinulbit ako ng batang lalaki na sa tingin ko ay nasa labinlimang taong gulang. Siya yung nasa pinaka dulo ng jeep na siksik na rin.

"Ay pasensya ka na ha! Nasiksik ka tuloy."

Tinitigan ko sya at di naman sya sakin nakatingin pero ang higpit ng hawak niya sakin.

"Ate pag bilang ko ng tatlo tatalon tayo sa jeep na'to. Isa..."

"Ano'ng pinagsasabi mo?"

mahina kong bulong.

"dalawa."

hihingi sana ako ng tulong sa katabi ko at sa iba pang pasahero na biglang.

"TATLO!"

hinigit ako ng batang lalaki at sabay kaming napatalon sa jeep. Tinignan ko ang jeep na di pa nakakalayo pero di man lang sila tumigil at para bang di nila kami nakikita.

Nasugatan ang tuhod ko at napilayan ang kaliwang paa ko.

'Ay nako, nasira tuloy yung pantalon ko.'

Nagpagpag ako ng puwet kahit hirap na hirap na akong gumalaw.

"Ano bang problema mo bata ka ha?"

Hinarap ko yung batang lalaki na nakaupo pa rin sa kalsada at nakahawak sa tuhod niyang may dugo na rin.

'Hatinggabi na pala bwiset. Di ko naman pwedeng iwanan tong baliw na batang ito.'

tinulungan ko syang bumangon at inakay ko sya sa balikat. Tinext ko na lang yung tatay ko na sunduin kami sa waiting shed.

nagulat ako ng bigla siyang magsalita.

"Di mo ba napansin ate?"

"Ang ano?"

takang tanong ko sakanya.

"Walang gumagalaw sa kanilang lahat kanina. Tayong dalawa lang ang nakurap at nagsasalita. Yung lalaking katabi mo..."

Nagsitayuan lahat ng balahibo ko dahil sa pinagkukwento ng batang ito.

"Wala siyang mukha...lahat sila."

napakahina ng boses niya at lalo akong kinabahan sa sunod niyang sinabi.

"At alam mo ba ate, pabalik balik lang tayo sa daan na yun? at sa buong oras na inilagi natin sa daan..."

"Lahat sila nakatingin sayo."

Dumating naman agad ang tatay ko, isinabay na namin ang batang lalaking ito at napag alaman naming siya pala si Lukas at may third eye siya. Ang lola at nanay niya na kasama niya sa bahay ay mga manghuhula at mga healer.

Nagpaalam ako sakanya at nagpasalamat na rin.

"Maraming salamat Lukas, kundi dahil sayo baka napahamak na ko."

"Walang anuman yun ate, nakita lang kase kitang sumakay sa jeep na yun kaya sumakay din ako para balaan ka."

Niyapos ko siya ng napakahigpit at bago umuwe ay ibinilin niya saking sunugin ko daw ang lahat ng gamit kong suot at dala ngayon.

Di na ako nagtanong at pagkarating na pagkarating namin ni tatay sa bahay ay sinunog namin ang mga gamit ko maski ang suot na damit ni itay para makasiguro.

Simula ng araw na yon ay naging matalik na magkaibigan na kami ni Lukas labing tatlong taon din ki naging magkaibigan pero sa kasamaang palad ay nabaliw siya.

Dinala namin siya sa mental hospital kahit labag sa akin. May nakikita raw siya na nakaitim na lalaki sa kisame.

Hanggang ngayon ay nag aalala pa rin ako sakanya.

Third Eye (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon