(#05 Hagdan)

59 2 0
                                    

(A/n: Oh! Para kay Michael A.K.A. Hipon tong chapter na ito. AKA mister_rakk ng HIDE AND SEEK

Oh? Aangal pa?)

---------*

Gabi na kaming natapos sa pag gawa ng thesis sa aming eskwelahan.

"Oh Michael di ka pa ba uuwe? Gabi na ah."

" Ah, eh Mauna na muna kayo, may pinapalagay pa kase si ma'am sakin dun sa third floor eh."

nais ko sanang hintayin nila ako ngunit alam ko naman na malayo pa ang mga bahay nila kumpara sa akin na sa kabilang kanto lang malapit sa school na pinapasukan namin.

"Sigurado ka? Sige Una na kami ah."

Tinanguan ko na lamang sila at kinuha na ang mga paper works na pinapadala ng aking guro.

'aish! anong oras na ba?'

11:27 na pala ng gabi.

Tanging ako na lang at ang guard sa labas ang tao dito sa school.

Lumakad na ko tungo sa third floor at syempre sa may hagdanan ang punta ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng biglang may narinig akong mga yabag papalapit sa akin.

Baka yung guard sa labas ang paparating para icheck kung sarado na ba ang room.

Tumuloy na lang ako sa pag akyat at binalewala ang mga yabag.

Ngunit bakit sa tinagal-tagal kong umakyat sa hagdan ay di pa rin ako makapunta sa taas. Para bang walang hangganan ang hagdanang aking binabagtas.

Tanaw ko ang dulo ng hagdanan, ngunit kahit anong bilis ng pag akyat ko'y doon at doon pa rin ang pwestong nabubungaran ko.

Naiiyak na ko sa sobrang takot.

Gusto kong sumigaw, ngunit walang boses na maririnig. Gusto kong humingi ng tulong, gusto kong makaalis! Marahil totoo nga ang kwento sa hagdanan na ito.

Di ka na makakaalis pa kapag umakyat ka rito.

At alam mo ba na hanggang ngayon ay nandito pa rin ako? Nakamasid sa susunod na aakyat upang may makasama ako.

Gusto mo bang sumama sa pagmamasid ko?


Third Eye (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon