Naniniwala ka ba sa mga multo?
O sa mga elemento?
Paano kung sasabihin kong totoo sila? Di ka pa rin ba maniniwala?
Isa sa mga ito ay ang Black Lady
Hindi tulad ng iba, ito ay mapanganib. Di lang pananakot ang kaya nilang gawin, dahil minsan sa kanilang pagpapakita may iba silang nais.
Yun ay ang...
BUHAY MO!
-----------------------------*
(2007, Pampanga)
"Liezel, iakyat niyo na ni Dominic yung kutson sa taas"
Utos ng kanyang ina
"Opo inay!"
Hay, kung buhay pa sana si Kuya Michael, di sana kami lilipat dito sa lugar na to.
Iyan ang nasa isip ni liezel habang tinutulungang iakyat ang kutson.
Namatay kase ang kanyang kuya dahil sa pagkakahulog di umano nito sa hagdan, sa eskwelehang pinapasukan nito.
"Oh Kuya Dominic, anong oras ka ba pupunta ng Maynila?"
Tanong niya sa isa pa niyang kapatid
"Baka bukas na lang siguro, hindi pa kase kami nagkakausap ni itay."
"Eh saan ka naman manunuluyan dun?"
"Rerenta na lang siguro ako ng apartment."
Tumango tango na lamang sya at tinulungan ang kanyang kuya sa paglilipat ng gamit.
Kadadating lang nila sa bagong bahay nila, di kinaya ng kanyang pamilya ang mapait na sinapit ng kanyang kuya Michael kaya't napagdesisyunan nilang lumipat ng bahay.
Halos Madaling araw na ay di pa rin makatulog si Liezel.
Kayat naisipan niyang lumabas ng kwarto at magpahangin sa veranda.
Malaki ang bahay na kanilang nalipatan, mukhang may kaya ang dating nakatira. Ngunit nabili lamang nila ito ng mura.
Sa kanyang pagmamasid ay nahagip ng kanyang paningin ang isang bulto ng nakaitim na babae.
Kinusot niya ang kanyang mga mata sa pagbabakasakaling guni guni niya lamang ito.
Pag tingin niya ulit ay wala na ito.
Ngunit nagtaasan ang balahibo niya sa batok, kaya't agad syang pumasok sa kanyang kwarto.
Di niya alam na nakamasid lang sa tagong bahagi ang estrangherong nakaitim na bestida.
Nakangisi ito na para bang tuwang tuwa sa kanyang nakikita.
Kinaumagahan ay umalis na ang kanyang kuya upang mag-aral sa kolehiyo.
Habang nasa hapag ay nagsalita ang kanyang ama.
"Kamusta naman liezel ang unang gabi mo sa bahay?"
Ngumiti lang sya at sinabing ayos naman, di na niya sinabi ang kanyang nakita kagabi sa pag aakalang dala lamang ng antok kaya sya may nakita.
Ilang linggo ang nagdaan at laging nagigising si Liezel sa madaling araw at pupunta sa Veranda na para bang may kausap.
Isang beses ay nakita ito ng kanyang ina na para bang may kausap kahit nakapikit sya.
Agad na nabahala ang ina kaya't kanya itong dinala sa hospital.
Wala namang nakitang sakit o anuman ang mga doktor.
Ilang araw pa ay laging ganun pa rin ang naaabutan ng ina tuwing lalabas ito upang tingnan ang anak.
Agad niyang tinawag ang asawa't pinapunta kay Mang Edong.
Nakilala niya ito kamakailan lang dahil nasalubong nila ito ni liezel.
Isa itong Albularyo, agad nitong hinawakan si liezel at sinabing may masamang elemento raw na gumagambala rito.
Di sya naniwala noong una pero sa nangyayare sa kanyang anak ay hindi sya mapalagay.
Agad namang dumating ang Albularyo at ang kanyang asawa.
Samantalang wala silang kaalam alam na nakikinig si Liezel sa kanilang pinag uusapan.
"Mang Edong ano po ba yung elemento na gumagambala sa anak ko?" mangiyak ngiyak na tanong ng ginang.
"Madam, di lang po ito simpleng elemento, ito po ay black lady."
Seryosong turan ng albularyo
Yakap yakap naman ang ginang ng kanyang asawa.
"Black lady? Ano yun?" tanong ng ama ni liezel
"Isa iyong elemento kagaya ng white lady, mga duwende at iba pa. Ngunit lubhang mapanganib ito."
Halos pabulong na sambit ng albularyo
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Ani ng ginang
"Di tulad ng iba, di lamang ito basta nanakot kundi pumapatay ito ng kanyang binibiktima at minsan ay pinapatay nito ang kaluluwa lamang upang ito na mismo ang umangkin ng katawang tao ng biktima."
Napatakip na lamang ng bibig ang ginang na halatang gulat na gulat.
"May maaari ba tayong gawin upang mapaalis sya?"
Nagkatinginan ang albularyo at ang mag asawa, Sasagot pa sana si Mang Edong ng lumabas si Liezel sa kung saan.
"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/49987007-288-k217802.jpg)
BINABASA MO ANG
Third Eye (Compilation)
TerrorThird Eye Stop looking around if your scared. Stop being curious with a less faith. Because once you find out something there's no turning back! ------------------* (A/n:) This is a compilation of many horror story that my imagination made.