(1898)
"Anak magtago ka na, sige na...iwanan mo na ako"
Nangagatog at umiiyak ang isang ginang habang sinasabi niya iyon.
"M-mama...Hindi po ako aalis."
Mumunting tinig ng isang batang babae na 7 taong gulang.
Payat at puro pasa ang mag-ina.
Niyakap naman ng ginang ang musmos niyang anghel at napahagulhol na lamang sa kanilang sinapit.
Isang matangkad na lalaki ang biglang sumabunot sa ginang na halos matanggal na ang anit dahil sa pagkakasabunot habang kinakaladkad ng kanyang asawa.
Demonyo ka!
Yan na lamang ang naisip ng ginang habang awang awa sa sinapit nilang mag-ina.
"Haha! sige umiyak ka lang habang nagmamakaawa!"
*Pak*
Isang malutong na mag asawang sampal ang iginawad ng lalaki sa ginang.
"Tama na! huhu...aaah!"
Sumuka ng dugo ang halos lasog lasog ng ginang dahil sa lakas ng suntok sa sikmura ng kanyang asawa.
"Papa...tama na po! Papa huhu!"
Ngunit tinaliman lamang ito ng tingin ng ama
"Hindi, Anak! Para sa kapakanan natin ito---"
Hindi naituloy ng ama ang kanyang sasabihin
Napaupo ang lalake sa lakas ng pagkakapalo ng ginang sa likod nito.
"Halika na anak! Bilisan mo!"
Tumakbo ang mag-ina palabas ng inuupahang bahay...
"BUMALIK KAYO, Kailangan nating MAGSAKRIPISYO!!!"
nakasunod na tumakbo rin ang haligi ng tahanan...
"Bilisan mo na anak, huhu!"
Kahit pilay ay pinipilit pa rin kayanin ng ginang ang sakit upang matakasan ang Demonyo nyang asawa.
Ayaw nya na muling ikadena at ikulong sa madilim na kwartong iyon...
Nababaliw na ang dating mapagmahal at maaruga niyang asawa.
Ayaw nya ng maranasan ulit ito ng kanyang anak...
"Mama...pagod na po ako"
paos at nanghihina na rin ang batang babae, konting takbo pa ay malamang na mawalan ito ng malay.
Nakakita naman agad ang ginang ng isang kwarto at agad ipinasok ang anak nito.
Walang naglakas loob na kapitbahay nila upang tulungan silang mag-ina.
Binilinan niya ang anak na wag lumabas sa kwartong iyon, wala pang naupa doon kaya't dinadalangin niya na maging maayos ang kanyang anak...
Ilang beses pa syang tumakbo upang makalabas sa lugar na iyon...
Tanaw na niya ang kahoy na pinto.
Konting tiis na lang at makakahingi na sya ng tulong.
'Panginoon ko maraming salamat po.'
Agad gumuho ang kaniyang pag-asa, sapagkat may humablot sa kanya, at sino pa nga ba?
"Akala mo makakatakas ka? Ha?"
ani nito na para bang isang lion na hayok na hayok sa laman.
"Ano ba! bitawan mo ako...eeerrk"
Sinakal ito gamit ang kadena at sumuka ng napakaraming dugo ang ginang. Halos lumabas na rin ang ugat nito sa leeg.
Di na ito makahinga at namumutla na ito dahil sa higpit ng pagkakasakal ng kadena sa kanyang leeg...
"mama..."
Nakita niya ang kanyang anak na tumakbi palapit sa kanya
"a---nak, t---umak--bo ka na..."
hirap na hirap na sambit ng ginang.
"Pareho ko kayong PAPATAYIN!, Sinabi iyon ng Diyos...Papatayin ko kayo...Mga Makasalanan kayo!"
Animoy sinasapian ito, sapagkat sobrang itim ng gilid ng mata nito at naglalaway pa na parang aso
Pinakawalan sya nito kaya't agad syang tumakbo palapit sa anak.
Di alam na bumunot ng baril ang lalaki at itinapat sa kanilang mag-ina
"Hahaha! Papatayin ko ang mga demonyo! utos ito ng diyos!"
*Bang*
Humandusay ang mag-ina na kapwa wala ng buhay...
Habang pabalik sa tinitirahan ay may kinausap ito sa kwarto hawak ang kadenang kanina'y ipinangsakal niya sa asawa.
"Magaling, magaling...Ngayon ay buhay mo naman ang iyong ialay at mabubuhay kayo ng masaya ng iyong pamilya sa kabilang buhay...Doon ay di niyo na kailangang magpakahirap at magpaalipin, UTOS ITO NG DIYOS"
Tumango tango lang ang lalaki at isinabit ang kanyang leeg sa kadenang isinabit sa kisame.
'Hantayin niyo lang ako mahal, giginhawa na rin tayo'
Kaalinsabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata ay siya ring pagkalagot ng hininga ng Haligi ng tahanan.
Sa loob ng kwarto ay nakatingin lamang ang demonyo habang may malaking ngisi sa labi nito.
Naisahan niya ang lalaking ito.
Agad din namang naglaho ang tusong demonyo at walang ibang maririnig sa napaka lumbay na tirahan bagkus madarama rito mapait na alaalang iniwan sa kwartong iyon.
---The End---
![](https://img.wattpad.com/cover/49987007-288-k217802.jpg)
BINABASA MO ANG
Third Eye (Compilation)
HorrorThird Eye Stop looking around if your scared. Stop being curious with a less faith. Because once you find out something there's no turning back! ------------------* (A/n:) This is a compilation of many horror story that my imagination made.