Mahilig ka ba sa mga segunda manong mga bagay?
Kapag ba nabasa mo to, mahihikayat ka pa bang bumili ng mga gamit na bagay?
Ako si Clarisse at ito ang kwento ng aking Cabinet
-------*
"Ma! Sa kwarto ko po ba yan ilalagay?"
Tanong ko sa aking ina habang pinagmamasdan ang may kalumaan nang Cabinet na nabili niya daw sa isang antique shop.
"Oo anak, mukhang matibay pa naman. Tingnan mo may malaking salamin sa cabinet mo."
Tiningnan ko ang salamin na medyo madumi.
Hmm...okay na din, sa wakas magkakasalamin na ko sa kwarto ko.
Lumipas ang ilang gabi na hindi ako makatulog ng mahimbing.
Lagi na lang ako nagigising tuwing alas tres ng madaling araw sa gawi ng lumang cabinet na inilagay ni nanay sa gilid ng kama ko.
Wala naman akong nakikita maliban sa malabo kong repleksyon sapagkat luma na ang salamin.
Ngunit iba ang gabing ito.
Alas tres ay naalimpungatan ako sapagkat parang may nakatingin sa akin. Napatingin ako sa salamin at laking gulat ko ng nag iba ang repleksyon ko.
Isang mukha ng lalaking may itim at mahabang buhok habang nakangisi ang mga labi niyang sing kulay ng abo.
Ang mga matang nakatingin saakin ay mga nanlilisik na animo'y may apoy na nagmumula roon.
Hindi ako makasigaw kahit gusto ko, hindi ako makagalaw na para bang may mga kamay na pumipigil saakin.
Gayon nalang ang aking panghihilakbot ng nawala ang repleksyon sa salamin, ngunit katabi ko na ang estrangherong iyon habang may hawak syang isang patalim.
Akmang isasaksak niya na ito sa akin ng biglang nakasigaw ako at nakagalaw.
Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni Nanay at tatay.
"Nay, tay! tulungan niyo po ako huhu, Nay! May Lalaki sa kwarto ko..."
Agad namang binuksan ni Tatay ang pintuan at sa likod niya ay si nanay na takang taka.
"Anak ano bang pinagsasabi mo?"
Tanong ng aking ama na halatang kagigising lamang.
"Tay! y-yung Ca-binet, may la-laki d-dun...May lapaking gustong sumaksak sa akin"
Agad naman na naalarma sina itay kaya't bigla akong niyapos ni inay at pinasok sa kwarto.
"Lucia, dyan lang kayo. Titignan ko kung sino man yun."
"Mag-iingat ka Julian, baka mapahamak ka."
Binuksan ni tatay ang ilaw sa salas at kumuha ng kutsilyo para sa kanyang proteksiyon.
Ilang sandali pa ay bumalik si tatay na takot na takot.
"Lucia, Hindi tao iyon."
Natatakot na turan ni tatay
Agad kaming pumntang mag anak sa kwarto ko at laking gulat namin ng makita ko ang salamin sa kabinet na may bahid ng dugo...
at nakasulat ang mga salitang...
'Makukuha rin kita Clarisse'
Kinabukasan ay sinunog ni itay ang cabinet.
At simula noon hindi na kami bumili pa ng mga segunda manong bagay.
BINABASA MO ANG
Third Eye (Compilation)
TerrorThird Eye Stop looking around if your scared. Stop being curious with a less faith. Because once you find out something there's no turning back! ------------------* (A/n:) This is a compilation of many horror story that my imagination made.